Charlie Dizon, best actress ng Urian para sa pelikulang Third World Romance

Charlie Dizon, best actress ng Urian para sa pelikulang Third World Romance

- Wagi bilang best actress ng Gawad Urian si Charlie Dizon

- Ito ay para umano sa pelikulang Third World Romance na pinagbibidahan nila ng real-life boyfriend nitong si Carlo Aquino

- Nahigitan ni Charlie sa naturang kategorya si Kathryn Bernardo para sa pelikulang A Very Good Girl

- Matatandaang si Kathryn naman ang nagwaging Best Actress sa FAMAS ngayong taon

Si Charlie Dizon ang tinaguriang Best Actress sa katatapos lamang na 47th Gawad Urian ngayong Hunyo 8.

Charlie Dizon, best actress ng Urian para sa pelikulang Third World Romance
Charlie Dizon, best actress ng Urian para sa pelikulang Third World Romance (47th Gawad Urian/ TVUP)
Source: Facebook

Ito ay para sa pelikulang pinagbidahan nila ng kanyang nobyong si Carlo Aquino, ang 'Third World Romance.'

Nahigitan ni Charlie sa naturang kategorya sina Kathryn Bernardo para sa pelikulang 'A Very good Girl,' Gabby Padilla para sa 'Hyphen' at Max Eigenmann para sa pelikulang 'Raging Grace.'

Samantala, sa naging panayam ni Gorgy Rula kay Charlie, nausisa niya ang aktres kung 'best wedding gift' ba ang pagkapanalo nito ng best actress. Ito ay dahil sa napapabalitang kasal nila ni Carlo Aquino.

Read also

Iris Lee, ibinida ang birthday dinner niya kasama si Xian Liam

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya," ani Charlie.

Samantala, narito ang bahagi ng video ng ABS-CBN News sa pagtanggap ni Charlie ng nasabing award:

Si April Rose Dizon Matienzo na mas kilala bilang si Charlie Dizon ay isang Filipina model and actress. Nakilala siya sa mga pelikulang "Fan Girl", "Four Sisters and a Wedding," at "Third World Romance" kung saan kasama niya ang boyfriend na si Carlo Aquino.

Matatandaang sa media conference ng kanilang pelikulang ito, nabanggit na ni Carlo ang umano'y mga plano nila ni Charlie na magkasama tulad ng pagkakaroon umano ng pamilya. Paliwanag ni Carlo, isa naman talaga ito sa goal sa pagpasok sa relasyon, ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay.

Minsan nang naging emosyonal sina Carlo at Charlie sa programang Magandang Buhay nang mapag-usapan nila ang kanilang relasyon. Paliwanag ng aktor, ramdam niyang mahal siya talaga ni Charlie at hindi pa raw umano siya na-in love nang tulad ng nararamdaman niya sa aktres. Samantala, nilarawan naman ni Charlie na 'biggest surprise' ang relasyon nila na ito ni Carlo na aminado siyang pinipigilan pa niya noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica