Diwata, kinausap ang traffic enforcer dahil pwesto lang daw niya ang pinag-iinitan

Diwata, kinausap ang traffic enforcer dahil pwesto lang daw niya ang pinag-iinitan

- Kinausap ni Diwata ang mga traffic enforcer dahil aniya ay pinag-iinitan lang ang pwesto niya

- Ayon sa isa sa mga traffic enforcer, doon sila naka-assign kaya doon sila naka-pwesto

- Ginagawa daw nilang ayusin ang trapiko lalo at may mga reklamo daw na hindi makausad ang ilang sasakyan pagdating sa pwesto ni Diwata

- Ani Diwata, wala naman daw siyang problema pero dapat daw ay maging patas sa lahat ng kainan doon

Nagkaroon ng tensyon nang kinumpronta ni Diwata ang mga traffic enforcer na nakatalaga sa lugar. Ayon kay Diwata, tila siya lamang ang pinag-iinitan ng mga traffic enforcer dahil palagi na lamang sa kanyang pwesto sila nakatayo at binabantayan.

Diwata, kinumpronta ang traffic enforcer dahil pwesto lang daw nya ang pinag-iinitan
Diwata, kinumpronta ang traffic enforcer dahil pwesto lang daw nya ang pinag-iinitan
Source: Facebook

Sa panig naman ng mga traffic enforcer, ipinaliwanag ng isa sa kanila na doon talaga sila naka-assign kaya naroon sila sa kanyang pwesto.

Dagdag pa ng traffic enforcer, nakatanggap sila ng mga reklamo na nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko ang lugar ni Diwata, kung kaya't kailangan nilang bantayan ito nang mabuti.

Read also

Andi Eigenmann, hindi na-bother sa viral video: "I know what his type is"

Sa kabila ng mga paliwanag, iginiit ni Diwata na wala siyang problema sa pagpapatupad ng batas, ngunit hiniling niya na sana ay maging patas ang mga enforcer sa lahat ng tindera sa lugar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa umano'y hiwalayang Paolo Contis at Yen Santos

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: