Andi Eigenmann, hindi na-bother sa viral video: "I know what his type is"

Andi Eigenmann, hindi na-bother sa viral video: "I know what his type is"

- Natanong kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang tungkol sa kontrobersiyal na video kung saan may kausap si Philmar Alipayo

- Ani Andi, dahil kilala niya si Philmar, hindi siya nabahala dahil alam daw niya kung ano ang type ni Andi

- Ang hindi lang daw maganda ay ang ginawa ng babae na aniya ay sinadya dahil siya mismo ang nag-upload ng video

- Para naman kay Philmar, dahil lasing siya ay natural na makikipag-usap siya ngunit alam daw niya ang limitasyon niya

Naging usap-usapan kamakailan ang isang kontrobersiyal na video kung saan makikitang may kausap si Philmar Alipayo, ang partner ni Andi Eigenmann. Natanong sa kanila sa Fast Talk with Boy Abunda ang tungkol dito.

Andi Eigenmann, hindi na-bother sa viral video: "I know what his type is"
Andi Eigenmann, hindi na-bother sa viral video: "I know what his type is"
Source: Youtube

Kapansin-pansin ang kalmado at kumpiyansa ni Andi sa naging sagot niya. Ayon kay Andi, dahil sa tagal na ng kanilang pagsasama, kilalang-kilala na niya si Philmar at alam niya ang tipo nito pagdating sa mga babae. "I know what his type is," ani Andi, na tila hindi nagpatinag sa mga spekulasyon at intriga na dulot ng naturang video.

Read also

Philmar Alipayo, hindi raw kakayaning umuwi ng bahay kung may ginawa siyang mali

Dagdag pa ni Andi, ang hindi lang maganda sa nangyari ay ang ginawa ng babae sa video. Ayon sa kanya, malinaw na sinadya ng babae ang pangyayari dahil siya mismo ang nag-upload ng video. Ito ay tila nagpapahiwatig ng intensyon na magdulot ng isyu sa pagitan ng magkasintahan.

Samantala, sa panig naman ni Philmar, aminado siyang lasing siya noong mga oras na iyon. Aniya, natural lamang na makipag-usap siya sa mga tao sa ganong estado, ngunit alam daw niya ang kanyang mga limitasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel