Ogie D sa pahayag ni Liza sa The Laterals: "Kung 'yun ang naramdaman, bigay natin sa kanya 'yun"

Ogie D sa pahayag ni Liza sa The Laterals: "Kung 'yun ang naramdaman, bigay natin sa kanya 'yun"

- Nagbigay ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz patungkol sa naging pahayag ni Liza Soberano sa isang magasin

- Sa pahayag ni Liza, tila lumabas na hindi siya nakapagdesisyon sa loob ng 12 taon ng showbiz career niya sa bansa

- Ayon kay Ogie, hindi niya iniinbalido ang nararamdamang ito ni Liza

- Matatandaang si Ogie Diaz ang dating manager ni Liza Soberano bago nito tahakin ang career sa ibang bansa

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs ang naging pahayag ni Liza Soberano sa The Laterals magazine.

Ogie D sa pahayag ni Liza sa The Laterals: "Kung 'yun ang naramdaman, bigay natin sa kanya 'yun"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Facebook

Nasabi umano ni Liza na tila hindi siya nabigyang laya na magbigay ng kanyang saloobin o opinyon sa kanyang naging showbiz career sa Pilipinas.

"When I made the decision, I was already 12 years into my acting career. I felt like an adult but nobody treated me like one. Nobody treated me like I had a right to my own opinion. Nobody would consult me on the things that I would do before deciding on my behalf," ang naging pahayag umano ni Liza na binasa ni Mama Loi.

Read also

Vicki Belo, aminadong tawang-tawa sa special mention sa kanya ni Vice sa D10 concert

Hiningan niya ng panig si Ogie Diaz ukol dito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Panig naman ni Liza 'yun. 'Yun sa pakiramdam ni Liza. Na siya ay hindi binigyan ng laya na makapagdesisyon after 12 years. Alam mo hindi natin i-invalidate kung ano 'yung sinabi ni Liza. Kung 'yun ang naramdaman niya, bigay natin sa kanya 'yun," ani Ogie.

"Ako naman, as far as I know, hindi naman ganun ang nangyari. Alam mo, nilalatag sa kanya lahat 'yan. So nasa kanya na, 'gusto mo ba 'to si letter A?' 'Ayaw ko 'yan, meron pa bang iba?' Si B gusto mo?' 'Ayaw ko yan.' Si C, ayaw ko 'yan.' 'Ano 'yung pwede mong i-suggest na pasok sa kanilang requirement?' Ganun kami," giit pa niya.

Inalala din ni Ogie ang minsang nasabi ni Johnny Manahan na huwag tumanggap ng proyekto na labag sa kalooban ng isang artista gayung makikita ito sa mga kanilang mga mata na ayaw nila ang kanilang ginagawa.

Read also

Keanna Reeves, naikwentong ban umano siya sa mga shows ni Luis Manzano

"Marami namang times na 'yung mga pinapagawa namin sa kanya e una, alam naman naming bagay sa kanya. 'Pag hindi naman bagay sa kanya, hindi na namin pinararating sa kanya. Sa'min pa lang harang na namin 'yun, ng Star Magic."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, umani ng papuri si Liza sa pagganap niya sa pinakaunang Hollywood project na kinabilangan niya, ang 'Lisa Frankenstein'. Noong Enero ng kasalukuyang taon, sa pagdiriwang ni Liza ng kanyang kaarawan, naging agaw-pansin sa social media ang mga larawang naibahagi niya sa kanyang Instagram post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel