Toni Fowler, binahagi ang meme tungkol sa kanyang baby bump update post

Toni Fowler, binahagi ang meme tungkol sa kanyang baby bump update post

- Kamakailan ay binahagi ni Toni Fowler ang kanyang update kaugnay sa kanyang baby bump na pinakita niya sa pamamagitan ng isang post

- Umani ng samu't-saring komento at reaksiyon ang kanyang post at meron pang mga meme na kumalat kaugnay sa kanyang post

- Imbes na mapikon at magalit ay mismong si Toni ang nagbahagi ng meme kung saan nakalagay sa isang collage ang kanyang picture at isang drawing

- Sa drawing ay makikitang nakahiga nang pahalang ang bata kalakip ng hirit ni Toni

Kamakailan ay binahagi ni Toni Fowler ang kanyang update kaugnay sa kanyang baby bump sa pamamagitan ng isang post. Umani ito ng samu't-saring komento at reaksiyon mula sa netizens, at meron pang mga meme na kumalat kaugnay sa kanyang post.

Toni Fowler, binahagi ang meme tungkol sa kanyang baby bump update post
Toni Fowler, binahagi ang meme tungkol sa kanyang baby bump update post
Source: Facebook

Sa halip na mapikon at magalit, mismong si Toni ang nagbahagi ng meme kung saan nakalagay sa isang collage ang kanyang picture at isang drawing. Sa drawing, makikitang nakahiga nang pahalang ang bata, kalakip ng hirit ni Toni na nagpatawa sa marami.

Read also

Diwata, umano'y dinumog sa mall: "Namili ako pangsosyal na damit"

Maraming netizens ang natuwa at humanga sa pagiging sport ni Toni sa mga biro at memes tungkol sa kanya. Ayon sa kanila, isa itong patunay ng kanyang positibong pananaw at kakayahang tumawa sa kabila ng mga biro.

Patuloy na sinusuportahan ng kanyang mga tagahanga si Toni sa kanyang journey bilang isang ina, at inaabangan ang mga susunod pang update mula sa kanya sa pamamagitan ng reality show nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Matatandaang idinaan ni Toni Fowler sa isang TikTok video ang biro tungkol sa pakikipag-break niya kamakailan kay Vince Flores. Sa kanyang binahaging TikTok video makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunan ay sinabayan ni Vince. Matatandaang matapos ihayag ni Toni kamakailan ang paghihiwalay nila, marami sa kanilang fans ang nalungkot. Gayunpaman, hindi nagtagal at sinabi ni Vince na nagkaayos lang sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang mataas na emosyon nito.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos siyang i-prank ng kanyang mommy

Binahagi din ni Toni ang throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz. Ito ay upang batiin sila sa kanilang pagpapakasal nito lamang nagdaang Saturday, 18 May sa Tagaytay. Ani Toni, ang pictures nilang iyon ay noong panahong tuwang-tuwa sila sa kanya dahil si Toni ang nagtuturo ng dance steps nila sa guesting nila sa It's Showtime. Aminado din si Toni na dahil dito ay pakiramdam niya ay ang tanda niya na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate