Ara Mina, masayang ibinahagi ang birthday plank challenge ng kapatid na si Baching
- Masayang ibinahagi ni Ara Mina ang birthday plank challenge ng kanyang kapatid na si Baching
- 32 taon na si Baching at naisipan ni Ara na ayain ito sa isang maiksing challenge
- Nasabayan naman ni Baching ang kanyang ate Ara bago pa man daw dumating ang kanyang mga handa para sa kanyang kaarawan
- Samantala, nabanggit din ni Ara ang tungkol sa kanyang 30th anniversary concert na gaganapin sa Hulyo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Umabot na ang 5 million views sa Facebook ang masayang birthday plank challenge ni Ara Mina para sa kanyang kapatid na si Baching.
32 taong gulang na ito noong Hunyo 2 at naisipan ni Ara na ayain ito sa maiksing challenge.
Tuwang-tuwa maging si Baching sa mga ginawa nilang exercise ng kanyang Ate Ara lalo na't halos lahat ay kanyang nasabayan.
Samantala, inulan naman ng mga pagbati kay Baching ang comments section ng naturang post.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang ilan sa mga komento:
"Happy birthday Baching. Sobrang lovable mo"
"Happy Birthday Baching! love na love ka talaga ng ate Ara mo"
"More birthdays to come Baching. May all your wishes come true."
"Happy Birthday Mina. Proud na proud sa'yo ang ate Ara mo. kitang-kita na love na love ka niya talaga"
"Ang smart ni Birthday Girl! Matutupad ang wish mo na long life. Happy Birthday Baching!"
Samantala, sa naturang vlog, nabanggit din ni Ara ang kanyang 30th anniversary concert na gaganapin umano sa Hulyo ngayong taon.
Narito ang kabuuan ng kanilang video:
Si Hazel Pascual Reyes-Almarinez o mas kilala bilang si Ara Mina ay isang Filipino actress, singer, endorser, at kilala ring entrepreneur. Nagtamo rin siya ng kabi-kabilang acting awards sa FAMAS, Golden Screen award at Asia's Golden Icons Award.
Samantala, isa si Ara sa mga kilalang personalidad sa grand opening ng Quezon City branch ng Diwata Pares Overload. Bukod kay Ara, present din ang Vice Mayor ng Quezon City na si Gian Sotto, content creator na si Rendon Labador at kilalang vlogger at CEO na si Rosmar Pamulaklakin.
Ilan lamang sila sa mga sumuporta kay Diwata sa palago na nang palago nitong negosyo na binabalak na ring magkaroon pa ng ibang branches sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh