Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya

Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya

- Nabahala si Lie Reposposa sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens

- Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon

- Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay

- Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit

Nabahala si Lie Reposposa sa labis na paglalagas ng kanyang buhok na nararanasan niya kamakailan. Ayon sa kanyang social media post, hindi na niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. "Baka magpakalbo na lang ako dahil sa paglalagas ng buhok ko," ani ni Lie, na kita na rin ang kanyang anit.

Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya
Lie Reposposa, nabahala sa labis na paglalagas ng buhok nya
Source: Facebook

Humingi siya ng payo mula sa mga netizens kung paano matitigil ang labis na paglalagas ng kanyang buhok. Marami ang nagbigay ng kanilang mga suhestyon at suporta. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Read also

Mika dela Cruz at Nash Aguas, itinagong nagkahiwalay sila ng anim na buwan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Matatandaang nag-viral ang paglabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel