Batang Cute Po na sina Jaze at Kulot, hinangaan sa husay nila sa pag-arte

Batang Cute Po na sina Jaze at Kulot, hinangaan sa husay nila sa pag-arte

- Pinahanga nina Jaze at Kulot ang madlang people sa kanilang mahusay na pag-arte sa "Showtime Bulilit" nitong Lunes sa "It's Showtime"

- Nagbigay ng ilang segundong katahimikan ang mga host at audience bilang pagpapakita ng paghanga sa husay ng dalawa

- Ang kanilang ginaya ay ang eksena mula sa pelikulang "Batang PX" na ginampanan nina Zsa Zsa Padilla at Patrick Garcia noong 1997

- Tumitindi ang excitement para sa pagbabalik ng kiddie gag show na "Goin' Bulilit," kung saan bahagi na ang "It's Showtime" kids

Pinahanga nina Kulot at Jaze ang madlang people sa kanilang galing sa pag-arte sa naging pagsalang nila sa "Showtime Bulilit" nitong Lunes sa "It's Showtime."

Batang Cute Po na sina Jaze at Kulot, hinangaan sa husay nila sa pag-arte
Batang Cute Po na sina Jaze at Kulot, hinangaan sa husay nila sa pag-arte
Source: Youtube

Ilang segundong katahimikan ang ibinigay ng mga host at audience para ipakita ang kanilang paghanga sa galing ng dalawa nang gawin nila ang matinding eksena mula sa pelikulang "Batang PX" na ginampanan nina Zsa Zsa Padilla at Patrick Garcia noong 1997.

Read also

Kathryn Bernardo, tinanghal bilang FAMAS Best Actress

"Wow! Grabe!" sambit ng mga host ng "It's Showtime."

"Wala munang sasagot. Let's appreciate them. Hindi niyo kaya 'yung mga bata," ani Vice Ganda.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Palakpakan natin si Jaze and Kulot. Grabe 'yung iyak ni Jaze. Ang haba ng linyahan ni Kulot," dagdag ni Amy Perez.

Sa ngayon, mas tumitindi ang excitement sa pagbabalik ng kiddie gag show na "Goin' Bulilit" kung saan parte na ang "It's Showtime" kids.

Nito lamang Sabado, ilang libo ang nag-audition para mapabilang sa "Goin' Bulilit" na magsisimulang magpasaya ngayong Hunyo.

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Read also

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

Matatandaang ibinida ng "It's Showtime" hosts ang kanilang pagsasama-samang muli sa pagbabakasyon sa ibang bansa. Ibinahagi ni Teddy Corpus ang picture nilang magkakasama at ginamit pa niya ang hashtag na #TheSuspenders. Sa picture na kanyang binahagi ay wala sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Kim Chiu at Amy Perez. Habang hindi pa bumabalik ang "It's Showtime" ay may kanya-kanyang mga ganap ang hosts at binabahagi nila ito sa social media upang magbigay pa rin ng update sa kanilang mga fans.

Ibinida ni Vice Ganda ang masayang video nila kasama ang kanyang 'It's Showtime' family habang nasa Hong Kong. Makikita ang kanilang pagsasayaw sa tunog mula sa video na binahagi ni Melai. May hawak din silang ice cream at kumakain silang magkakasama habang sumasayaw. Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy ang It's Showtime hosts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel