Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail

Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail

- Pinakita ni Diwata ang mga regalong binigay sa kanya ng mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail

- Sa kanyang vlog ay isa-isa niyang binuksan ang mga regalo sa kanya na kinabilangan ng pampaswerte, laptop at mga cellphone

- Nagpasalamat si Diwata sa mag-asawa at nabanggit na babalik pa raw si Whamos dahil may ibibigay pa raw ito sa kanya

- Sa patuloy na pagsikat ni Diwata ay tuloy-tuloy din ang mga biyayang natanggap niya mula sa mga kilalang personalidad

Nakatanggap ng mga espesyal na regalo si Diwata mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail na talaga namang nagpasaya sa kanyang puso.

Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail
Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail
Source: Facebook

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Diwata ang mga sorpresa na ibinigay sa kanya ng mag-asawa. Kasama sa mga ito ang pampaswerte, isang bago at de-kalidad na laptop, at mga cellphone.

Sa tuwa, pasasalamat ang ipinaabot ni Diwata sa dalawang mabubuting puso, at bukod doon, may pahiwatig pa itong may darating pang regalo mula kay Whamos.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Sa patuloy na pag-angat ni Diwata sa online world, patuloy din ang pagdating ng mga biyaya mula sa mga kilalang personalidad, patunay lamang ng kanyang kabutihan at kahusayan sa larangan ng pagbibigay saya at inspirasyon sa kanyang mga tagasubaybay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette. Nilinaw niyang hindi sila gagastos nang wala silang extra kaya hindi totoong naubos ang kanilang ipon. Dagdag pa niya, may pinaglalaanan sila sa kanilang savings.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos umabot ng 1M views ang TikTok video niya kahit na-mute

Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak. Dinatnan nilang tulog pa si Meteor pero hindi maitago ni Antonette ang pananabik niya sa anak. Hindi pa makakilos nang maayos si Antonette kaya hindi pa niya nakarga kaagad si Meteor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel