Vice Ganda, nagpasalamat matapos umabot ng 1M views ang TikTok video niya kahit na-mute

Vice Ganda, nagpasalamat matapos umabot ng 1M views ang TikTok video niya kahit na-mute

- Nagpasalamat si Vice Ganda sa madlang people dahil sa mainit na pagtanggap sa kanyang 'Piliin Mo ang Pilipinas' entry

- Sa kanyang post sa X, sinabi ni Vice na nakaabot na agad sa isang milyon ang views ng kanyang TikTok video

- Ito ay sa kabila ng pagkaka-mute ng musikang ginamit sa naturang video

- Dagdag pa ni Vice, ayos lang na walang music at ang mahalaga raw ay marinig ang mensahe

Nagpahayag ng pasasalamat si Vice Ganda sa kanyang mga tagasubaybay matapos umabot sa 1 million views ang kanyang entry sa "Piliin Mo ang Pilipinas" challenge sa TikTok, kahit na ang musika ay na-mute.

Vice Ganda, nagpasalamat matapos umabot ng 1M views ang TikTok video niya kahit na-mute
Vice Ganda, nagpasalamat matapos umabot ng 1M views ang TikTok video niya kahit na-mute
Source: Instagram

Sa kanyang post sa X, ipinahayag ni Vice ang kanyang kasiyahan sa mainit na pagtanggap ng madlang people sa kanyang TikTok video. Binahagi niya na kahit na-mute ang tunog ng musika sa kanyang video, hindi ito naging hadlang para umabot sa isang milyon ang bilang ng mga views.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan matapos niyang itama ang babaeng tinawag siyang 'Sabrina'

Ayon kay Vice, "Ok lang na walang music ang mahalaga marinig ang mensahe." Ipinarating niya ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta at pagtangkilik ng kanyang mga tagahanga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang kanyang TikTok video ay tungkol sa pagpili sa Pilipinas sa kabila ng mga isyung panlipunan. Ipinakita ng video ang kanyang suporta sa lokal na turismo at pagmamahal sa bansang Pilipinas.

Sa kanyang huling bahagi ng post, nagtapos si Vice ng isang pasasalamat at pagbati sa kanyang mga tagahanga, "Zenkyoooooow Madlang People!!!! #VGPiliinAngPilipinasChallenge". Ipinakita niya ang kanyang kagalakan sa tagumpay ng kanyang adbokasiya at ang patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Vice Ganda, hinangaan sa kanyang makahulugang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel