Vice Ganda, hinangaan sa kanyang makahulugang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry

Vice Ganda, hinangaan sa kanyang makahulugang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry

- Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry sa TikTok

- Kagaya sa karamihan, naroroon din ang pagpapakita ng makeup transformation

- Pero pinakita ni Vice sa kanyang video ang ilan sa mga problema sa bansa na lumikha ng ingay

- Sa bandang huli ay inihayag niya ang mensaheng “Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili parin kita, Pilipinas”

Sa gitna ng viral na trend na "Piliin Mo Ang Pilipinas" challenge, hindi nagpahuli ang kilalang TV host na si Vice Ganda sa pagpapakita ng kanyang suporta at pagmamahal sa bansa.

Vice Ganda, hinangaan sa kanyang makahulugang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry
Vice Ganda, hinangaan sa kanyang makahulugang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry
Source: TikTok

Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang entry para sa nasabing challenge, subalit hindi lamang ito basta makeup transformation tulad ng iba. Sa halip, ipinakita niya ang kanyang makahulugang pagmamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilan sa mga mahahalagang isyu at problema ng bansa.

Read also

Majo aka You Do Note Girl, umalma sa mga body shamers

Sa video, makikita ang pagbabago ng kanyang anyo mula sa simpleng makeup hanggang sa kanyang pagiging makulay at kakaiba. Ngunit sa bandang huli ng kanyang entry, ibinahagi niya ang mas malalim na mensahe.

Pinakita ni Vice Ganda ang ilan sa mga suliranin ng bansa tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at iba pang mga isyu na patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino. Sa kabila ng mga ito, ipinahayag niya ang matapang na mensahe ng pagmamahal sa Pilipinas, "Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita, Pilipinas."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kanyang entry ay agad na nag-viral at tinangkilik ng libu-libong netizens na hinangaan ang kanyang tapang at pagiging vocal sa mga isyung panlipunan. Isa itong paalala sa ating lahat na sa kabila ng mga hamon at pagsubok, mayroon pa rin tayong pag-asa at pagmamahal sa ating bayan.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos umabot ng 1M views ang TikTok video niya kahit na-mute

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel