Alex Gonzaga, nawindang nang tawaging 'Pacha' ni Melai ang pamangking si Polly

Alex Gonzaga, nawindang nang tawaging 'Pacha' ni Melai ang pamangking si Polly

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang convo nila ni Melai Cantiveros kung saan pinag-uusapan nila ang tungkol sa pamangkin niyang si Polly

- Nagkomento si Melai sa video ni Alex kasama ang pamangkin niya kung san sinabi ni Melai na nilalamog niya ito

- Sagot naman ni Alex, fan ni Melai ang pamangkin at pinapanood nila ang video nito

- Nawindang si Alex nang sabihin ni Melai na maganda at cute ang si Polly na tinawag ni Melai na 'Baby Pacha'

Binahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng menahe ni Melai Cantiveros kung saan nagkomento ito sa video nina Alex at ng pamangkin niyang si Polly.

Alex Gonzaga, nawindang nang tawaging 'Pacha' ni Melai ang pamangking si Polly
Alex Gonzaga, nawindang nang tawaging 'Pacha' ni Melai ang pamangking si Polly
Source: Facebook

Makikita ang masayang usapan nina Alex at Melai tungkol sa pamangkin ni Alex. Ani Melai, nilalamog naman ni Alex ang anak ni Toni. Ibinida naman ni Alex na fan daw ito ni Melai at pinapanood nila ang video nito.

Read also

Alex Gonzaga, nag-ala 'Ms Rachel' para mapasaya ang pamangking si Polly

Pinuri naman ni Melai ang cuteness ng pamangkin ni Alex na tinawag niyang si 'Baby Pacha.' Kaya naman, pabirong humirit si Alex tungkol dito.

Paki tanong naman kay Melai sino si PACHA!? Ginawa nyang partner ng petcho ng manok yung pamangkin ko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Alex Gonzaga, binati ni Mikee Morada ng 'Happy Mother's Day'

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel