Whamos Cruz, nagpaliwanag sa video clip na ginamit sa "Piliin Mo ang Pilipinas" entry nya

Whamos Cruz, nagpaliwanag sa video clip na ginamit sa "Piliin Mo ang Pilipinas" entry nya

- Sinabi ni Whamos Cruz na nasaktan siya sa akusasyon na ninakaw niya ang video clip na napasama sa kanyang 'Piliin mo ang Pilipinas' entry

- Aniya, hindi siya ang naglagay ng video clip na iyon sa kanyang entry kundi ang kanyang editor

- Gayunpaman, humihingi siya ng tawad para sa kanyang editor na aniya ang siyang naglagay ng video clip mula sa post ng videographer na si JAK Seventy-Three

- Noong May 3, binigyan-kredito ni Whamos si JAK sa comments section ng kanyang "Piliin Mo Ang Pilipinas" video

Aminado si Whamos Cruz matapos siyang akusahan ng pagnanakaw ng video clips para sa kanyang "Piliin Mo Ang Pilipinas" video entry.

Whamos Cruz, nagpaliwanag sa video clip na ginamit sa "Piliin Mo ang Pilipinas" entry nya
Whamos Cruz, nagpaliwanag sa video clip na ginamit sa "Piliin Mo ang Pilipinas" entry nya
Source: Facebook

Ang "Piliin Mo Ang Pilipinas" makeup challenge ay isang trend sa social media kung saan ipinapakita ng mga content creator ang kultura at tradisyon ng bansa. Karaniwang binabahagi ang mga ito sa TikTok o sa pamamagitan ng Instagram o Facebook reels.

Read also

Cris Villanueva, viral ang post tungkol sa pag-deliver ng 'feathers'

Para kay Whamos, ipinakita niya ang iba't ibang mga manggagawang Pilipino at personalidad sa kanyang entry. Kasama rin sa kanyang video ang ilang clips ng mga pista sa Pilipinas.

Gayunpaman, sinabi ng video editor na si JAK Seventy-Three na ginamit ni Whamos ang ilang clips mula sa kanyang video noong 2023 na nagtatampok ng Sinulog Festival ng taong iyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot ni Whamos ang akusasyon at sinabing nasaktan siya sa caption ni JAK tungkol sa kanya na "nagnakaw" ng video.

"‘Yung sa’kin na lang sana, nag-message na lang sana. Hindi na sana nag-post sa social media, ‘no," aniya.

"Actually, hindi ho ako ‘yung may kasalanan dito… hindi ako ‘yung may kasalanan dito na bakit may na-involve na clip video doon," dagdag pa ni Whamos.

Humingi siya ng tawad para sa kanyang editor.

Read also

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

“Ako na po ‘yung humihingi ng pasensya dun sa editor ko sa nangyari, na una pa lang binalaan ko na siya na kapag may mga gantong klase ng ano… actually, sobrang galit na galit nga ‘yung manager ko dun sa editor ko dahil sa nangyari nga po," sabi pa niya.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette. Nilinaw niyang hindi sila gagastos nang wala silang extra kaya hindi totoong naubos ang kanilang ipon. Dagdag pa niya, may pinaglalaanan sila sa kanilang savings.

Read also

Angeline Quinto, nag-viral ang bagong video sa social media

Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak. Dinatnan nilang tulog pa si Meteor pero hindi maitago ni Antonette ang pananabik niya sa anak. Hindi pa makakilos nang maayos si Antonette kaya hindi pa niya nakarga kaagad si Meteor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel