Cris Villanueva, viral ang post tungkol sa pag-deliver ng 'feathers'

Cris Villanueva, viral ang post tungkol sa pag-deliver ng 'feathers'

- Viral ang post ng aktor na si Cris Villanueva na may kaugnayan sa umano'y feather sa seryeng 'Can't Buy Me Love'

- Siya ang gumanap na Gilbert Bautista o Manong Ibe sa naturang serye

- Isa ang mga karakter niya na nagkaroon ng matinding rebelasyon sa pagtatapos ng seryeng pinagbibidahan ng tambalang DonBelle

- Naging usap-usapan ang CBML dahil sa iba't ibang komento ng netizens sa kung sino ang pumatay sa karakter ni Divine na ginampanan ni Shaina Magdayao

Agaw-eksena sa social media ang post ng aktor na si Cris Villanueva na may kaugnayan sa karakter niyang si Gilbert Bautista o 'Manong Ibe', sa papatapos nang serye na Can't Buy Me Love.

Cris Villanueva, nag-viral dahil sa kanyang 'feather' post
Cris Villanueva, nag-viral dahil sa kanyang 'feather' post (Can't Buy Me Love/ Netflix)
Source: Facebook

Sa kanyang post, isang araw bago ang final episode, nabanggit nito ang tungkol sa madalas na makita sa naganap na krimen sa serye.

"Otw para maghatid ng feathers," ang caption ni Cris sa kanyang post habang siya ay naka-finger heart sign.

Read also

Kaila Estrada, nagpasalamat sa mga sumuporta kay 'Bettina': "And sorry na rin"

Umani ito ng nasa 37,000 na laughing reaction.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, narito ang mga kakatwang komento ng netizens ukol sa post:

"Manong Ibe, magkano po pa-deliver ng feathers?"
"'Wag mo kong ma-finger heart Manong Ibe, gigil mo ako"
"Manong Ibe talagang nakuha mo pang mag update matapos ang lahat ng ginawa mo! hahaha"
"Napakahusay Manong Ibe... hindi pala feather girl ang hanap nina Ling, feather boy"

Si Cris Villanueva ay isang aktor sa Pilipinas na nagsimula noong 80's sa variety show na That's Entertainment. Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa showbiz. Bukod sa Can't Buy Me Love, napanood din siya sa The Iron Heart at 2 Good 2 Be True.

Samantala, bukod kay Cris Villanueva, hinangaan din sa seryeng 'Can't Buy Me Love' ang karakter ni Bettina Tiu na ginamapanan ni Kaila Estrada. Sa kanyang post sa X na dating Twitter, pinasalamatan niya ang mga sumuporta sa kanyang karakter na si Bettina. Nag-sorry rin siya umano sa pasabog ni Bettina sa pagtatapos ng kanilang serye.

Read also

Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"

Ang Can't Buy Me Love ay pinagbibidahan ng love team na DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Bukod sa kanilang tambalan, umusbong din ang Snorene na ngayo'y tinatawag ding 'MaThon' sa tamabalang Maris Racal at Anthony Jennings.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel