Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"

Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"

- Pinasalamatan ni Sarah Geronimo ang mister na si Matteo Guidicelli sa bago nitong vlog

- Ito ay dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya lalo na at pumasok na siya sa isang culinary school

- Sa vlog ni Matteo, naroong tuksuhin din niya si Sarah sa posibleng pagkakaroon nito ng sarili niyang bakeshop

- Matatandaang noong pandemya, madalas maibahagi ng kanyang mister na si Matteo ang hilig ni Sarah sa pagbi-bake

Kinikilig na pinasalamatan ni Sarah Geronimo ang mister na si Matteo Guidicelli sa bago nitong vlog.

Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"
Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love" (Matteo Guidicelli YT)
Source: Youtube

Ibinahagi kasi ni Matteo ang pag-aaral ng baking si Sarah sa Heny Sison Culinary School.

Ito ay bilang bahagi umano ng pagkahilig na ni Sarah sa pagbi-bake na nagsimula umano noong pandemic.

Nakwento ni Sarah na inakala niyang mahirap ang baking na noon pa man ay interesado na siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"

Kaya naman nang magkaroon ng maraming oras noong pandemic, sinubukan na niya ito.

At ngayong nasa baking school na si Sarah, todo-todo lalo ang suporta sa kanya ni Matteo.

"Very fulfilling. Yung makatrabaho mo yung mga magagaling na chef. 'Di lang magagaling, very patient pa... Syempre with the support of my husband na talagang every class ay he devoted his time to accompany me. Thank you my love!" ayon sa nag-iisang Popstar Royalty.

Kapansin-pansin na gusto talaga ni Sarah ang kanyang ginagawa lalo na nang matikman na nila ang kanyang mga produkto.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Matteo Guidicelli YouTube:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Read also

McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A Very Special Love,' 'You Changed My Life,' 'It Takes a Man and a Woman,' at 'Finally Found Someone'

Matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon, ipinagdiwang ni Sarah ang 20 taon niya sa showbiz sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Usap-usapan ito lalo na at marami umanong nag-abang kung dadalo ang pamilya ni Sarah lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel