Angeline Quinto, naglabas ng bagong kanta sa araw ng kasal

Angeline Quinto, naglabas ng bagong kanta sa araw ng kasal

- Naglabas ng bagong kanta si Angeline Quinto sa araw ng kasal nila ng non-showbiz partner niyang si Nonrev Daquina

- Ang naturang kanta ay sinulat ni Angeline kasama ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo

- Nayong araw, April 25, 2024 ay ginanap ang kasal ng dalawa matapos ang kanilang engagement noong September 2022

- Umani naman ng positibong mga komento ang bagong kantang nilabas ni Angeline na pinamagatang "Salamat Ika'y Dumating"

Naglabas ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto ng bagong kanta na "Salamat Ika'y Dumating" sa araw ng kanyang kasal kay Nonrev Daquina sa Quiapo Church ngayong Huwebes.

Angeline Quinto, naglabas ng bagong kanta sa araw ng kasal
Angeline Quinto, naglabas ng bagong kanta sa araw ng kasal
Source: Facebook

Isinulat ni Quinto ang kanyang awiting pangkasal kasama ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo.

Ang "Salamat Ika’y Dumating" ay ang bagong single ni Quinto matapos ang kanyang bersyon ng "Pagbigyang Muli" para sa seryeng "Linlang" at "Piliin Mo Ang Pilipinas" para sa "Drag You & Me" noong nakaraang taon. Noong 2022, inilabas niya ang kantang "Nag-iisa Lang" na inialay sa kanyang anak na si Sylvio.

Read also

Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post

Noong Setyembre 2022, na-engage sina Daquina at Quinto at iniluwal ni Angeline ang kanilang unang anak na si Sylvio noong Abril 27, 2022.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Read also

JK Labajo, humiling ng suporta para kay Ms Cavite sa MUPH: "Haha deja vu"

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel