JK Labajo, humiling ng suporta para kay Ms Cavite sa MUPH: "Haha deja vu"

JK Labajo, humiling ng suporta para kay Ms Cavite sa MUPH: "Haha deja vu"

- Nag-post si Juan Karlos Labajo ng picture ng rumored girlfriend niya na si Dia Mate

- Si Dia ang kumakatawan sa Cavite sa Miss Universe Philippines pageant at humiling ng suporta si JK sa pamamagitan ng pagboto sa aniya'y 'beautiful bebe'

- Sa comments section ay marami ang nakapansin sa komento ni JK na natawa dahil tila naulit lang itong pangyayaring ito

- Matatandaang ginawa din ito ni JK nang lumaban sa MUPH ang kanyang ex na si Maureen Wroblewitz

Sa post ni Juan Karlos Labajo, humiling siya ng suporta para sa aniya'y 'beautiful bebe na si Dia Mate. Si Dia ang kumakatawan sa Cavite sa nalalapit na Miss Universe Philippines pageant.

JK Labajo, humiling ng suporta para kay Ms Cavite sa MUPH: "Haha deja vu"
JK Labajo, humiling ng suporta para kay Ms Cavite sa MUPH: "Haha deja vu"
Source: Instagram

Sa kanyang post sa social media, ipinakita ni JK Labajo ang larawan ng kanyang rumored girlfriend na si Dia Mate, na kinatawan ng Cavite sa patimpalak ng Miss Universe Philippines.

Read also

Miss Grace, nagbahagi ng picture niya nang magpunta siya sa CIDG Quezon City

Sa pamamagitan ng kanyang post, hiniling ni JK ang suporta para kay Dia sa pagboto.

Sa comments section ay marami ang nakapansin sa komento ni JK na natawa dahil tila naulit lang itong pangyayaring ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Haha deja vu"

Matatandaan na mayroon nang naganap na ganitong insidente noon kung saan sumuporta rin si JK Labajo sa kanyang dating kasintahan na si Maureen Wroblewitz nang lumaban ito sa Miss Universe Philippines.

Si Juan Karlos Labajo o JK Labajo ay naging contestant sa sikat na talent competition na "The Voice Kids Philippines" noong 2014 kung saan siya ay naging runner-up. Pagkatapos ng kanyang paglahok sa The Voice, sumunod ang kanyang mga pagganap sa iba't ibang palabas at pelikula sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa pag-arte, si JK Labajo ay kilala rin sa kanyang mga awitin kagaya ng 'Buwan' at 'Ere'.

Read also

Vic Sotto sa It's Showtime: "Ilang taon na kaming magkatapat, mananalo kami, mananalo sila"

Matatandaang binahagi ni Andrea Brillantes ang blooper sa kanyang TikTok video kung saan makikita ang kaibigan niyang si JK. Kinaaliwan ang reaksiyon ni JK na napahawak pa sa dibdib niya sa gulat nang biglang nag-tumbling si Andrea. Nagtawanan silang magkaibigan matapos mapansin ni Andrea ang reaksiyon ni JK. Samantala, umabot na sa 8 million views ang Tiktok video niya kung saan ginawa niya ang TikTok trend na 'Ba't malungkot ang beshy ko?'

Binahagi naman ni Moira Dela Torre ang video ng kanyang pagkanta ng awiting 'Ere' na pinasikat ni JK. Sa huling bahagi ng video ay makikitang mismong si JK ang tumutugtog ng gitara nang kumanta si Moira. Umani rin ng samu't-saring komento ang video na ito ni Moira lalo at mayroong bahagi ng kanta na pagmumura. Marami sa mga netizens ang nagsabing yung kay Moira ang tipo ng pagmumura na hindi masakit sa tenga dahil sa pagiging soft-spoken nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel