Vic Sotto sa It's Showtime: "Ilang taon na kaming magkatapat, mananalo kami, mananalo sila"

Vic Sotto sa It's Showtime: "Ilang taon na kaming magkatapat, mananalo kami, mananalo sila"

- Sinagot ni Vic Sotto ang ilang katanungan tungkol sa naging pasaring nina Joey De Leon at Tito Sotto kamakailan

- Nilinaw niyang hindi raw talaga "It's Showtime" yung tinutukoy nila sa kanilang naging pasaring kamakailan

- Aniya, hindi nila sasabihing kaaway ang "It's Showtime" dahil aniya ay kalaban nila ang "It's Showtime" sa kompetisyon sa noontime show

- Tanggap din daw ni Bossing Vic na may mga pagkakataon na panalo sila sa ratings, at may mga pagkakataon naman na panalo ang katapat nila

Sa isang panayam kay Vic Sotto na binahagi ni MJ Marfori, sinagot niya ang ilang katanungan kaugnay sa mga naging pahayag kamakailan ni Joey De Leon at Tito Sotto.

Vic Sotto sa It's Showtime: "Ilang taon na kaming magkatapat, mananalo kami, mananalo sila"
Vic Sotto sa It's Showtime: "Ilang taon na kaming magkatapat, mananalo kami, mananalo sila"
Source: Youtube

Sa panayam, nilinaw ni Vic Sotto na hindi talaga ang It's Showtime ang tinutukoy nila sa kanilang naging pasaring kamakailan. Ayon sa kanya, hindi nila sinasabing kaaway ang It's Showtime, ngunit sa halip ay kalaban nila ito sa kompetisyon sa noontime show.

Read also

Joey De Leon: "Mahal namin ang It's Showtime... 'Wag niyo kami pagsabungin"

Aniya, tanggap niyang may mga pagkakataon na sila ang nananalo sa ratings, habang may mga pagkakataon naman na ang kanilang katapat ang nagwawagi. Sa loob ng maraming taon na pagtatapat ng Eat Bulaga at It's Showtime sa ere, naging bahagi na ng kanilang kultura ang patuloy na laban sa ratings.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vic Sotto ay isang kilalang personalidad sa industriya ng entertainment sa Pilipinas. Siya ay kilala bilang isang aktor, komedyante, host, at producer. Siya ay naging bahagi ng ilang iconic na programa sa telebisyon tulad ng "Eat Bulaga!" kung saan siya ay isa sa mga host at producer. Kasama rin siya sa iba't ibang pelikula at telebisyon shows sa loob ng maraming taon.

Ibinida ni Pauleen Luna ang picture ng dalawang anak na sina Tali at Baby Mochi. Sa kanyang binahaging Instagram story, makikita ang picture ng kanyang dalawang anak na magkatabing natutulog. Sa naturang post ay nagpasalamat si Pauleen sa Panginoon para sa kanyang pinakamamahal na mga anak. Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong silang na anak, hindi hinahayaan ni Pauleen na hindi niya maibida maging ang panganay na anak.

Ibinahagi ni Pauleen Luna ang picture nila ng kanyang anak na si Baby Mochi. Ginaya ni Pauleen ang anak na nakapikit at marami sa kanyang mga followers ang nakapansin na magkamukha daw ang mag-ina. Umani ng mga komento at samu't-saring komento ang post na ito ni Pauleen sa kanyang Facebook page. Matatandang nitong January 23, 2024 isinilang ni Pauleen ang pangalawang anak nila ni Vic Sotto.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel