Miss Grace, nagbahagi ng picture niya nang magpunta siya sa CIDG Quezon City

Miss Grace, nagbahagi ng picture niya nang magpunta siya sa CIDG Quezon City

- Nagbahagi si Miss Grace ng kanyang picture kasama ang anak na si Aaron nang magpunta sila sa CIDG Quezon City

- Hindi sinabi ni Miss Grace sa kanyang post kung ano ang dahilan ng kanyang pagpunta doon

- Kalakip sa kanyang post ay ang mensahe tungkol sa kung gaano kasimple ang buhay ngunit ginagawang kumplikado ng ibang tao

- Umani ng komento ang post na ito ni Miss Grace at lumabas ang ilang espikulasyon tungkol sa dahilan ng kanilang pagpunta doon sa CIDG

Nagbahagi si Miss Grace ng larawan sa kanyang social media account na kung saan ay kasama niya ang kanyang anak na si Aaron habang sila ay nasa CIDG Quezon City.

Miss Grace, nagbahagi ng picture niya nang magpunta siya sa CIDG Quezon City
Miss Grace, nagbahagi ng picture niya nang magpunta siya sa CIDG Quezon City
Source: Facebook

Sa larawan, makikita si Miss Grace na kasama ang kanyang anak habang sila ay nasa labas ng himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Quezon City. Hindi ipinahayag ni Miss Grace sa kanyang post kung ano ang eksaktong dahilan ng kanilang pagbisita sa lugar na ito.

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa kanyang 'Asoka makeup trend' entry

Kalakip sa kanyang post ang isang mensahe na tumatalakay sa kung gaano kasimple ang buhay ngunit ginagawang kumplikado ng ibang tao.

Ang post na ito ni Miss Grace ay agad na umani ng maraming komento mula sa kanyang mga tagasunod sa social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel