Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

- Nausisa si Jericho Rosales kung naghahanap umano siya ng bagong pag-ibig ngayong 2024

- Tila wala umano ito sa prayoridad niya ngayong taon

- Maaalalang bago matapos ang Enero ngayong taon ay napabalitang hiwalay na 'di umano si Jericho sa asawa nitong si Kim Jones

- Samantala, naging maugong din ang balita ni Ogie Diaz na maging si Jericho umano ay nanliligaw kay Kathryn Bernardo ayon sa kanyang source

Sa On Cue ng ABS-CBN News, isa sa natanong ni MJ Felipe kay Jericho Rosales ay tungkol sa love life nito.

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"
Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that" (@jerichorosalesofficial)
Source: Instagram

"Is finding love part of your 2024?" usisa ni MJ. Subalit mabilis na "No" ang naisagot ni Jericho.

"So it's not part of your goal? Falling in love in 2024? Finding new love, sorry" ang follow up question ni MJ.

"It's too early for that," at inulit pa ni Jericho na "It's too early for that"

Read also

Ogie, may nabalitaan kay Donny: "Niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Enero 29 ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng isang malapit na kaibigan nina Jericho at Kim sa ABS-CBN ang kanilang hiwalayan na naging maugong sa publiko sa kabila ng mga pagtitipon na patuloy pa rin nilang pinupuntahan na magkasama.

Sa kabila umano ng hiwalayan, naging magkaibigan pa rin umano ang dalawa.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging panayam ni Jericho mula sa ABS-CBN News, On Cue:

Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya kay Kim Jones na isa ring kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa 'Yo (2000–2002), Sana'y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Kamakailan, ibinahagi ni Ogie Diaz nananliligaw umano si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo. Ayon umano sa kanyang source, sa kabila nito, tila mas boto ang panig ni Kathryn sa isa pa nitong manliligaw na si Alden Richards.

Read also

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

Isa rin si Alden Richards sa napabalitang nanliligaw kay Kathryn ayon muli sa source ni Ogie Diaz. Matatandaang sa isang interview kay Alden, nasabi nitong 'what you see is what you get siya' sa mga espekulasyon sa kanila ni Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel