Ogie, may nabalitaan ukol kay Donny: "Niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot"

Ogie, may nabalitaan ukol kay Donny: "Niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang nabalitaan umano sa isang source tungkol kay Donny Pangilinan

- Sa umpisa'y ayaw pa niya pangalanan si Donny at pabirong sinabi ni Mama Loi na may initials din ito ng tulad sa ex ni Kathryn na si Daniel Padilla

- Sinasabing nang maghiwalay sina Kathryn at Daniel, doon nabalitang nanligaw si Donny sa aktres

- Subalit hindi raw ito natuloy sa dahilang hindi naman daw alam ni Ogie

Sa umpisa'y isang trivia umano ang ibinahagi ni Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel.

Ogie, sa umano'y pagporma ni Donny kay Kathryn: "Na kay Donny 'yun kung aaminin niya o hindi"
Ogie, sa umano'y pagporma ni Donny kay Kathryn: "Na kay Donny 'yun kung aaminin niya o hindi" (@donny)
Source: Instagram

Ito ay tungkol umano sa isang young actor na nagawa ring pumorma kay Kathryn Bernardo.

"May trivia ako... kay Kathryn. Eto na, how true? Patanong na lang, kasi baka naman i-deny tayo. How true na minsan pala e pinormahan nitong isang young sctor si Kathryn. As in niligawan... ( nung wala na si Daniel at si Kathryn)

Read also

Ogie Diaz sa KimPau: "Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet"

"E di ba dati na-viral pa yun, 'yung inaalok pa si Kathryn ng softdrinks, baka nakainom si Kathryn, pampababa ng tama or something. Inalok siya ng softdrinks?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit tila hindi nakapigil si Mama Loi at inusisa ang tungkol sa pangalan ng aktor.

"Yung ba yung lalake na ang initials kapangalan ng ex ni Kathryn?"

Matapos ito, nabanggit din ni Ogie ang pangalan, at ito raw ay si Donny Pangilinan.

"O basta 'yun lang yung nakarating lang sa akin. Ngayon, na kay Donny... nasa kanya na yun kung gusto niyang aminin yan na minsan pinormahan niya si Kathryn or niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot."
"'Yung rason kung bakit naudlot, yun ang hindi ko alam. Baka nai-stop lang talaga kasi nga, wala namang magandang patutunguhan"

Gayunpaman, sinasabing maaring kaya hindi ito natuloy ay dahil sa posibleng magiging reaksyon ng mga fans at supporters ng DonBelle, ang love team nina Donny at Belle Mariano.

Read also

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

"Na kay Donny naman 'yun kung aaminin niya o hindi. E kung idi-deny niya yun e wala din namang problema. Baka nga hindi totoo 'yung source ko," ayon pa rin kay Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na "He's Into Her".Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na "Love is Color Blind," at "An Inconvenient Love."

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye ng DonBelle, ang "Can't Buy Me Love," hindi napigilang maging emosyonal ni Donny nang pasalamatan at bigyang pugay ang gumanap na kanyang Mamang sa serye na si Nova Villa. Ayon kay Donny, kahanga-hanga ang dedikasyon ng kanyang Mamang at wala umano siyang maisip na ibang pwedeng gumanap sa karakter nito kundi ang kanyang Tita Nova lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel