Ogie Diaz sa KimPau: "Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet"

Ogie Diaz sa KimPau: "Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet"

- Nagbahagi si Ogie Diaz ng nabalitaan niya mula sa staff ng 'What's wrong with Secretary Kim'

- Sinasabing hindi na raw ganoon ka-sweet sina Paulo Avelino at Kim Chiu

- Nilinaw naman ng source ni Ogie na sa kabila nito, okay pa rin umano sa set ang dalawa

- Nabanggit din umano na tila may ibang gusto si Paulo

Aminadong nalungkot si Ogie Diaz nang mabalitaan mula sa isang source niya sa What's Wrong with Secretary Kim na tila hindi na umano ganoon ka-sweet sina Kim Chiu at paulo Avelino sa isa't isa.

Ogie Diaz sa KimPau: "Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet"
Ogie Diaz sa KimPau: "Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet"
Source: Instagram

"Ang nalaman ko lang mula sa production staff ng 'What's wrong with secretary Kim, e parang hindi na raw ganu'n ka-sweet," ani Ogie.

"Okay sila sa set. Pero 'yung ligawan, medyo malabo daw," dagdag pa nito.

Aminado si Ogie na nalungkot siya nang mabalitaan ito bilang isa umano siyang KimPau fan.

Read also

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Mas sweet sila nung una. Nito na raw parang hindi na ganun ka-sweet"
"Sabi ko nga sa production staff sana sila pa rin ang magkatuluyan. Ang problema, parang hindi na raw ganun ka-intense yung feelings ni Kim Chiu towards Paulo. Dahil si Paulo talagang passionate sa acting. Tapos kung ano lang yung dumating, ganun lang siya."

Ayon pa source na ito ni Ogie, tila may ibang gusto si Paulo.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas kilala bilang si Paulo Avelino ay isang aktor, modelo at film producer sa bansa. Bumida na siya sa ilang pelikula at television series mula sa Kapuso at maging sa Kapamilya network. Sa kasalukuyan, usap-usapan si Paulo sa husay ng pagganap nito sa Linlang. Umani sila ng papuri sa publiko sa husay ng kanilang pagganap sa nasabing serye.

Read also

Ogie, may nabalitaan kay Donny: "Niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot"

Gumagawa na rin ng ingay ang bagong teleserye ni Paulo na muling pagbibidahan nila ni Kim Chiu. Ito ang Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakatambal ni Paulo si Kim na patuloy tinatangkilik ng kanilang fans kung saan tinatawag na umano silang "KimPau."

Dahil dito, hindi maiwasang maiugnay ang pangalan ni Kim kay Paulo ngayong madalas ang proyekto nilang magkasama at sumabay pa ang pagiging single umano ng dalawa sakaling totoo man ang bali-balitang naghiwalay na muli sina Paulo at Janine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel