Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

- Gumulantang sa marami ang rebelasyon ni Darren Espanto tungkol sa kanila ni Kyline Alcantara

- Sa programang Fast talk with Boy Abunda, umamin itong naging girlfriend niya ang Kapuso star

- Aniya, maituturing na puppy love umano ang naging relasyon nila noon ni Kyline

- Matatandaang kamakailan ay minsan na silang inasar ni Vice Ganda ng "Kasi nga..." nang maging panauhin si Kyline sa 'It's Showtime'

Sa pag-amin ni Darren Espanto sa naging relasyon nila noon ni Kyline Alcantara, nabanggit din niya ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"
Darren and Kyline (Darren Espanto YouTube)
Source: Facebook

Sa programang Fast Talk, nausisa ni Boy Abunda kung bakit natapos ang nasa isang taong relasyon nina Darren at Kyline.

Ayon kay Darren, wala naman umanong third party noon sa kanilang relasyon na nilarawan niya na 'puppy love.'

"Misunderstandings talaga kasi syempre pag mga bata parang konting mga petty na away"

Read also

Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, Kinilig umano si Boy sa pag-amin na ito ni Darren at tila ito umano ang dahilan ng rapport nina Darren at Kyline sa camera.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Fast Talk with Boy Abunda:

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay isang Filipino-Canadian singer. Isa din siyang aktor. Una siyang sumali sa singing competition sa kanyang edad na sampung taong gulang kung saan nanalo siya sa competition sa Edmonton na pinamagatang Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation.

Bukod sa It's Showtime, bahagi rin si Darren ng seryeng Can't Buy Me Love. Ginagampanan niya ang karakter bilang si Stephen, ang malapit na kaibigan ni Caroline na karakter naman ni Belle Mariano. Inakala ng marami na ang kanyang karakter ang magiging malaking hadlang sa pag-iibigan nina Caroline at Bingo na ginagampanan naman ni Donny Pangilinan.

Read also

Darren Espanto, napaaming naging girlfriend si Kyline Alcantara: "Kasi nga, naging kami dati"

Kamakailan, tinuldukan ni Darren ang espekulasyon ng marami tungkol umano sa relasyon niya kay Cassy Legaspi. Aniya, best friend niya ito at masasabi niyang mayroon din namang pagmamahal sa isa't isa. Sinegundahan naman ito ni Cassy sa isang pahayag niya kung saan best friend nga niya si Darren at mahirap ipaliwanag ang uri ng kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel