Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako"

Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako"

- Kinilig si Boy Abunda sa pag-amin ni Darren Espanto na naging karelasyon niya noon si Kyline Alcantara

- Ito umano ang dahilan ng naging tuksuhan nina Darren at Vice Ganda nang maging panauhin nila si Kyline

- Inusisa rin ni Boy ang dahilan ng paghihiwalay noon ng dalawa

- Ayon kay Darren, tumagal din ng isang taon ang kanilang relasyon

"Kinikilig naman ako," ito ang naging reaksyon ni Boy Abunda sa rebelasyon ni Darren Espanto nang maging panauhin niya ito sa Fast Talk with Boy Abunda.

Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako"
Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako" (Fast Talk with Boy Abunda/ GMA Network YouTube)
Source: Youtube

Sa naturang show, inamin ni Darren na naging kasintahan niya si Kyline Alcantara.

"Si Ate Vice, sa It's Showtime... Kasi nga... mako-complete ko na po 'yung sentence. Kasi nga naging kami, dati," kumpirmasyon ni Darren.

Matatandaang naging kulitan nila ni Vice Ganda ang mga katagang "Kasi nga..." nang maging panauhin nila si Kyline sa It's Showtime kamakailan.

Read also

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Darren, tumagal pa ang kanilang relasyon ng nasa isang taon at masasabi niyang tila isang puppy love na maituturing ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA:

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay isang Filipino-Canadian singer. Isa din siyang aktor. Una siyang sumali sa singing competition sa kanyang edad na sampung taong gulang kung saan nanalo siya sa competition sa Edmonton na pinamagatang Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation.

Bukod sa It's Showtime, bahagi rin si Darren ng seryeng Can't Buy Me Love. Ginagampanan niya ang karakter bilang si Stephen, ang malapit na kaibigan ni Caroline na karakter naman ni Belle Mariano. Inakala ng marami na ang kanyang karakter ang magiging malaking hadlang sa pag-iibigan nina Caroline at Bingo na ginagampanan naman ni Donny Pangilinan.

Read also

Luis Manzano, kinagiliwan sa eksena kasama ang 'SnoRene' sa Can't Buy Me Love

Kamakailan, tinuldukan ni Darren ang espekulasyon ng marami tungkol umano sa relasyon niya kay Cassy Legaspi. Aniya, best friend niya ito at masasabi niyang mayroon din namang pagmamahal sa isa't isa. Sinegundahan naman ito ni Cassy sa isang pahayag niya kung saan best friend nga niya si Darren at mahirap ipaliwanag ang uri ng kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel