Paolo Contis, nagpasalamat sa mga nanood ng 'A Journey': "Number one sa Netflix"

Paolo Contis, nagpasalamat sa mga nanood ng 'A Journey': "Number one sa Netflix"

- Masayang pinasalamatan ni Paolo Contis ang mga sumuporta sa pelikula nilang 'A Journey'

- Ngayong April 15, ilang araw lamang matapos itong ilabas ay number one na ito sa Netflix

- Kasama siya sa naturang pelikula ang dati niyang mga co-stars sa 'Tabing Ilog' na sina Kaye Abad at Patrick Garcia

- Makailang beses na ring bumida si Paolo sa ilang Netflix films tulad ng 'A Faraway Land' at 'Through Night and Day'

Walang pagsidlan ng saya si Paolo Contis nang pasalamatan niya ang mga sumuporta at nanood ng pelikula nilang 'A Journey.'

Paolo Contis, nagpasalamat sa mga nanood ng 'A Journey': "Number one sa Netflix"
Paolo Contis, nagpasalamat sa mga nanood ng 'A Journey': "Number one sa Netflix" (@paolo_contis)
Source: Facebook

"I just wanna thank all of you for making our movie 'A journey,' number 1 sa Netflix. Maraming-maraming salamat po sa mga nakanood na. Sa mga hindi pa po nakakanood, please watch it. Still streaming on Netflix worldwide. Again, thank you very much. Ang saya-saya po namin. Sobrang saya po namin. Kita niyo naman nangitim na 'yung buhok ko. Thank you," ani Paolo.

Read also

Luis Manzano, kinagiliwan sa eksena kasama ang 'SnoRene' sa Can't Buy Me Love

Kasama niya sa naturang pelikula ang malalapit niyang kaibigan at co-stars noon sa Ang TV at tabing Ilog na sina Kaye Abad at Patrick Garcia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang talagang nag-abang sa pelikulang ito na animo'y nagdala muli ng alaala sa mga nasabing palabas noong late late 90's at early 2000.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Paolo mula na ibinahagi rin ng Sparkle GMA Artist Center:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na umano'y lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31 ng nakaraang taon.

Naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Paolo kung saan nasabi niyang nasasaktan umano sila tuwing masasabihan ng Fake Bulaga matapos na pumalit sa Tito, Vic and Joey bilang host ng programa.

Read also

Darren Espanto, napaaming naging girlfriend si Kyline Alcantara: "Kasi nga, naging kami dati"

Nang tuluyan nang maipanalo ng TVJ ang titulong Eat Bulaga na siyang ginagamit na muli nila sa kanilang noontime show, pinalitan naman ng 'Tahanang Pinakamasaya' ang programa sa pananghalian na pinangungunahan nina Paolo Contis at Isko Moreno bilang mga hosts. Kalaunan, tinapos na rin ang naturang programa. Hindi nagtagal, nag-contract signing naman ang ABS-CBN at GMA na umano'y nagsanib pwersa sa pagpapalabas ng It's Showtime.

Sa isang panayam kay Paolo, nasabi nitong okay makatrabaho ang It's Showtime hosts gayung karamihan sa mga ito ay pawang mga kaibigan niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: