Darren Espanto, napaaming naging girlfriend si Kyline Alcantara: "Kasi nga, naging kami dati"

Darren Espanto, napaaming naging girlfriend si Kyline Alcantara: "Kasi nga, naging kami dati"

- Diretsang natanong ni Boy Abunda si Darren Espanto kung naging kasintahan nito si Kyline Alcantara

- Ito ay matapos ang tuksuhan umanong nangyari sa 'It's Showtime'

- Inakala ng marami na ito ay may kaugnayan sa kambal na sina Cassy at Mavy na umano'y naging malapit sa dalawa

- Subalit maging si Boy Abunda ay nagulat nang aminin ni Darren ang nakaraan nila ni Kyline

Tila nakumpleto na ni Darren Espanto ang inakala lamang ng marami na kulitan nila noon sa It's Showtime ng guest nilang si Kyline Alcantara.

Darren Espanto, napaaming naging girlfriend si Kyline Alcantara: "Kasi nga, naging kami dati"
Darren Espanto, napaaming naging girlfriend si Kyline Alcantara: "Kasi nga, naging kami dati" (@darrenespanto)
Source: Instagram

Sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong mismo ni Boy si Darren kung naging karelasyon nga ba nito si Kyline Alcantara.

"Hindi ko po masagot ng yes or no... that was a puppy love kind of thing," panimula ni Darren.

Maaalalang si Vice Ganda ang nanukso sa dalawa at sinabi ang pabiting kataga na "kasi nga."

Read also

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Si Ate Vice, sa It's Showtime... Kasi nga... mako-complete ko na po 'yung sentence. Kasi nga naging kami, dati," ang pag-amin ni Darren.

At nang usisain ni Boy kung gaano sila tumagal, "like a year, a year and a half," sagot naman ng singer/actor.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa GMA Network YouTube:

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay isang Filipino-Canadian singer. Isa din siyang aktor. Una siyang sumali sa singing competition sa kanyang edad na sampung taong gulang kung saan nanalo siya sa competition sa Edmonton na pinamagatang Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation.

Bukod sa It's Showtime, bahagi rin si Darren ng seryeng Can't Buy Me Love. Ginagampanan niya ang karakter bilang si Stephen, ang malapit na kaibigan ni Caroline na karakter naman ni Belle Mariano. Inakala ng marami na ang kanyang karakter ang magiging malaking hadlang sa pag-iibigan nina Caroline at Bingo na ginagampanan naman ni Donny Pangilinan.

Read also

Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako"

Kamakailan, tinuldukan ni Darren ang espekulasyon ng marami tungkol umano sa relasyon niya kay Cassy Legaspi. Aniya, best friend niya ito at masasabi niyang mayroon din namang pagmamahal sa isa't isa. Sinegundahan naman ito ni Cassy sa isang pahayag niya kung saan best friend nga niya si Darren at mahirap ipaliwanag ang uri ng kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel