Luis Manzano, kinagiliwan sa eksena kasama ang 'SnoRene' sa Can't Buy Me Love

Luis Manzano, kinagiliwan sa eksena kasama ang 'SnoRene' sa Can't Buy Me Love

- Kinagiliwan ng marami ang sandaling eksena ni Luis Manzano sa Can't Buy Me Love

- Nagulat ang marami nang makita si Luis bilang waiter sa Episode 132 ng programa

- Matatandaang isa si Luis sa mga nag-interview sa tambalang "SnoRene" nina Anthony Jennings at Maris Racal

- Samantala, sinasabing nalalapit na umano ang pagtatapos ng teleseryeng Can't Buy Me Love na pinagbibidahan ng 'DonBelle'

Nagulat ang marami nang mapanood nila si Luis Manzano sa Episode 132 ng Can't Buy Me Love.

Luis Manzano, kinagiliwan sa eksena kasama ang 'SnoRene' sa Can't Buy Me Love
Luis Manzano, kinagiliwan sa eksena kasama ang 'SnoRene' sa Can't Buy Me Love (@luckymanzano)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nag-cameo siya bilang waiter sa unang date nina 'Irene' ang karakter ni Maris Racal at 'Snoop' na ginagampanan naman ni Anthony Jennings.

May nakatutuwang komento pa si 'Snoop' kay Luis kung saan nasabi nitong 'may itsura' ang kanilang waiter.

Read also

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

"Salamat po. May you and your boyfriend enjoy your dinner," ang naging linya naman ni Luis.

Matatandaang isa si Luis sa mga nagkaroon ng pagkakataong ma-interview ang nakaaaliw na instant love team 'SnoRene.'

Samantala, narito ang ilang kuhang eksena sa Can't Buy Me Love na naibahagi ng Kapamilya Online World.

Si Luis Manzano ay isa sa mga kilalang host sa bansa. Anak siya ng respetadong aktor na si Edu Manzano at ng nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Unang nakilala si Luis bilang si Lucky dahil ito ang palayaw sa kanya ng kanyang Mommy Vi. Sa ngayon, bukod sa hosting, isa sa pinakaaabangan ang kanyang vlog sa kanyang YouTube channel na Luis Listens.

Samantala, pinakakatutukan ngayon ang seryeng Can't Buy Me Love na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Ito ay dahil mas lalo na umanong naging kapana-panabik ang eksena gayung nalalapit na rin ang pagtatatapos nito.

Read also

Boy Abunda sa pag-amin ni Darren na naging GF niya noon si Kyline: "Kinikilig naman ako"

Isa rin sa mga kinagigiliwang eksena sa serye ay ang tamabalan nina Maris Racal at Anthony Jennings o mas kilala bilang 'SnoRene' dahil sa mga karakter nila bilang si "Snoop" at "Irene." Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel