Maris Racal, pinakilig ang SnoRene fans sa bago nitong post
- Muling pinakilig ni Maris Racal ang mga 'Snorene' fans dahil sa kanyang bagong post
- Makikita ang animo'y development sa karakter ni Snoop sa Can't Buy me Love na ngayo'y kasama na ni 'Irene Tiu'
- Marami ang tumangkilik sa kanilang unexpected love team na nagpapakilig din sa marami
- Isa umano ang SnoRene sa pinakaabangan sa nasabing serye bukod sa tambalang DonBelle
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Marami ang naaliw sa bagong post ni Maris Racal kung saan makikitang kasama niya si Anthony Jennings.
Tila makikita sa naturang post ang pag-level up ng karakter ni Anthony sa seryeng Can't Buy Me Love bilang si Snoop.
Partikular na ang hindi inaasahang pagkabuo ng love team nila ni Maris na gumaganap naman bilang si Irene Tiu.
"From this... To this!" ang umano'y caption ni Maris sa post kung saan makikita ang larawang kuha sa isang episode ng CBML at ang naging eksena nila sa Star magical prom 2024 kamakailan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Marami ang tumangkilik sa kanila ni Anthony. Katunayan, isang fan page nila ang nabuo ang 'SnoRene Syndrome' kung saan ang mga miyembro ay pawang tagasubaybay ng kanilang tambalan.
Lalo na't tila natural ang kanilang kulitan gayung minsan nang nakwento nina Maris at Anthony na nagdaragdag sila ng batuhan ng linya maliban sa nakasaad sa kanilang script.
Samantala, narito ang kabuuan ng post:
Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.
Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.
Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't Buy Me Love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh