Rosmar Tan, namakyaw ng gold kay Boss Toyo: "Tinoyo, ayun naghoard"

Rosmar Tan, namakyaw ng gold kay Boss Toyo: "Tinoyo, ayun naghoard"

- Binahagi ni Boss Toyo ang video ng pagpunta ni Rosmar Tan sa kanilang shop upang mamili ng gold

- Sa kanyang post naman, naibahagi ni Rosmar ang resibo ng pinamili niyang alahas

- Umabot sa halagang P1,250, 000 ang lahat ng pinamili ni Rosmar na ayon kay Boss Toyo ay inubos daw ang display nila

- Hirit ni Rosmar, tinoyo daw siya kaya siya namakyaw ng gold

Ibinida ni Boss Toyo ang pagpunta ni Rosmar Tan sa kanilang shop para mamili ng gold. Umabot sa halagang P1,250, 000 ang lahat ng pinamili ni Rosmar.

Rosmar Tan, namakyaw ng gold kay Boss Toyo: "Tinoyo, ayun naghoard"
Rosmar Tan, namakyaw ng gold kay Boss Toyo: "Tinoyo, ayun naghoard"
Source: Facebook

Sa kanyang post naman ay sinabi ni Rosmar na tinoyo daw siya kaya siya namakyaw ng gold.

Makikita din sa post ni Rosmar ang lahat ng alahas na kanyang binili sa shop ni Boss Toyo. Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Andrea Billantes, pinasilip ang kanyang bonggang birthday celebration sa yate

Wow, collection ni Madam, ang isang piraso pwede ng ipang-puhunan para maka survive sa araw araw
Sana all nakakabilidumadaan lng sa kamay ko gold
#PinakaMalakas ❤️ kahit anong bigat ,yakang yaka mapapa sana all ka nalang tlga e

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel