Jake Ejercito, ibinahagi ang dating Sayaw, Kikay dance number kasama sina "Bingo" at "Irene"

Jake Ejercito, ibinahagi ang dating Sayaw, Kikay dance number kasama sina "Bingo" at "Irene"

- Ibinahagi ni Jake Ejercito ang dating naging dance number nila nina Donny Pangilinan at Maris Racal

- Ngayon, kasama na niya ang mga ito sa seryeng "Can't Buy Me Love" (CBML)

- Sa caption ng naturang video, may hamon ito kay Anthony Jennings na karibal niya umano sa karakter ni Maris sa CBML

- Si Jake ay gumaganap na si Aldrich ang naging instant boyfriend ni Irene na ginagampanan na man ni Maris

Makulit na ibinahagi ni Jake Ejercito ang dating video ng dance number niya kasama sina Donny Pangilinan at Maris Racal.

Jake Ejercito, ibinahagi ang dating Sayaw, Kikay dance number kasama sina "Bingo" at "Irene"
Jake Ejercito (@unoemilio)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa video, umiindak sila sa awit ng 'Viva Hot Babes' na 'Sayaw Kikay' na minsan na ring nag-viral matapos na gayahin at tuksuhin siya ni Alora Sasam.

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa prank ni Robin; "What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya?"

"Sayaw Kikay with Bingo, Irene and Aldrich," ang bahagi ng caption ni Jake sa kanyang post.

Ang mga pangalang ito ay pawang mga karakter nila sa seryeng Can't Buy Me Love.

"Galaw galaw Snoop," dagdag pa nito na tila may makulit na paghamon kay Anthony Jennings.

Matatandaang ang karakter ni Anthony na si Snoop ang karibal ng karakter naman ni Jake sa puso ni Irene Tiu na ginagampanan naman ni Maris.

Narito ang kabuuan ng reel:

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang Linlang at Can't Buy Me Love.

Read also

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.

Sa naturang interview rin niya nakwento ang kanyang pinagdaanan sa kasagsagan ng impeachment trial ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Aminado siyang nabu-bully noon sa paaralan. Napapatawag din umano siya noon ng guidance counselor hindi dahil siya ay may nagawang mali kundi concerned umano ang mga ito sa kung paano niya dinadala ang sitwasyon na iyon sa murang edad niyang sampung taong gulang pa lamang. Dahil dito, tila namanhid pansamantala noon si Jake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica