Mariel Padilla, nawindang sa prank ni Robin; "What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya?"

Mariel Padilla, nawindang sa prank ni Robin; "What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya?"

- Ibinahagi ni Mariel Padilla ang screenshot ng mensahe ng asawa niyang si Sen. Robin Padilla sa kanya

- Makikita doon na sinabi ni Robin na may sasabihin daw siya kay Mariel at eskandalo daw ang nangyari

- Tila naman kinabahan si Mariel sa sasabihin ng kanyang mister lalo at nag-sorry pa ito sa kanya

- Ani Robin, naglabas na ng ebidensiya ang 'girlfriend' niya na tumutukoy sa nilabas na kanta ni Taylor Swift na may pamagat na 'Robin' at kinalaunan ay nag-sorry din siya kay Mariel sa kanyang biro

Nawindang si Mariel Padilla matapos sa mensahe na ipinadala sa kanya ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla. Ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng asawa.

Mariel Padilla, nawindang nang sabihin ni Robin na may girlfriend siya
Mariel Padilla, nawindang nang sabihin ni Robin na may girlfriend siya
Source: Facebook

Sa nasabing screenshot, makikitang nagpahayag si Robin na mayroon siyang sasabihin kay Mariel at binanggit din niya na mayroong eskandalo na naganap. Ipinapahayag din ni Robin na tila kinakabahan siya sa reaksyon ni Mariel sa sasabihin niya.

Read also

Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post

Humingi ng paumanhin si Robin kay Mariel matapos sabihin ni Robin na may ebidensiya na nailabas ang kanyang 'girlfriend.' Ang tinutukoy niya ay ang nilabas na kanta ni Taylor Swift na may pamagat na 'Robin' at kinalaunan ay nag-sorry din siya kay Mariel sa kanyang biro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel