Jake Ejercito, napa "Amen" nalang sa bagong reel; kinagiliwan ng netizens

Jake Ejercito, napa "Amen" nalang sa bagong reel; kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan ng netizens ang bagong reel ni Jake Ejercito

- Makikita ang tanong na "Kanino ka lang?" na ikinagulat ng netizens ang sagot

- Kaya naman napa-Amen nalang si Jake bilang caption ng kanyang post

- Gayunpaman, marami rin ang nagkomento at sinabing sa kanila na lang ang aktor

Agad na nag-viral ang bagong reel ni Jake Ejercito kung saan makikita ang tanong na "Kanino ka lang?"

Jake Ejercito, napa "Amen" nalang sa bagong reel; kinagiliwan ng netizens
Jake Ejercito (Jake Ejercito Facebook)
Source: Youtube

Sa dinami-rami kasi ng maaring maging kasagutan, "kay God ka lang" ang lumabas na kasagutan.

Dahil dito, napa-sign of the cross si Jake at 'Amen' naman ang caption ng kanyang post.

Samantala, narito ang komento ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Baka naman sa'kin ka po talaga"
"Good Boy ka daw kasi Papa Jake"

Read also

Maris Racal, pinakilig ang SnoRene fans sa bago nitong post

"Sana all loyal kay God"
"God, sa'kin nalang po si Jake"
"No! Para sa'kin ka po talaga."

Narito ang kabuuan ng video:

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang 'Linlang' maging sa Can't Buy Me Love.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.

Read also

Baron sa umano'y naging isyu noon sa Senior High: "Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude"

Sa naturang interview rin niya nakwento ang kanyang pinagdaanan sa kasagsagan ng impeachment trial ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Aminado siyang nabu-bully noon sa paaralan. Napapatawag din umano siya noon ng guidance counselor hindi dahil siya ay may nagawang mali kundi concerned umano ang mga ito sa kung paano niya dinadala ang sitwasyon na iyon sa murang edad niyang sampung taong gulang pa lamang.Dahil dito, tila namanhid pansamantala noon si Jake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica