Bonggang house blessing design sa bahay nina Kathryn Bernardo, binahagi ni Gideon Hermosa

Bonggang house blessing design sa bahay nina Kathryn Bernardo, binahagi ni Gideon Hermosa

- Binahagi ng sikat na designer na si Gideon Hermosa ang isang pasilip sa bonggang design na ginawa niya sa bahay ng mga Bernardo

- Siya ang nag-ayos ng setup para sa house blessing nina Kathryn kamakailan na talaga namang star-studded

- Sa naturang post ng designer ay naibahagi ang ilang bahagi ng bagong bahay nina Kathryn

- Marami naman sa mga netizens ang natuwa at na-inspire sa bahay na ito nina Kathryn na pinagtrabahuhan ng aktres

Marami ang napa-wow sa isang pasilip sa bagong bahay nina Kathryn Bernardo. Ibinahagi ito ng sikat na designer na si Gideon Hermosa sa kanyang social media post.

Bonggang house blessing design sa bahay nina Kathryn Bernardo, binahagi ni Gideon Hermosa
Bonggang house blessing design sa bahay nina Kathryn Bernardo, binahagi ni Gideon Hermosa
Source: Instagram

Sa nasabing post, ipinakita ni Gideon ang bonggang setup na kanyang inihanda para sa house blessing ng pamilya Bernardo.

Nagpasalamat siya sa Bernardo family sa pagtitiwala sa kanya para sa mahalagang okasyon para sa kanilang pamilya.

Read also

Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar

"Happy house blessing to the lovely Bernardo Family! @bernardokath and Tita @bernardomin your new home is absolutely stunning, and I’m sure it’s going to be the perfect place for new memories. Thank you for the trust you gave us in designing your house blessing celebration! ✨✨ May it always be filled with love and laughter every single day!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabuuan, ang pasilip sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo ay nagbigay inspirasyon at saya sa mga tagasubaybay

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Read also

It's Showtime, ibinahagi ang mga ganap sa date nina Michelle Dee at Oliver Moeller

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel