It's Showtime, ibinahagi ang mga ganap sa date nina Michelle Dee at Oliver Moeller

It's Showtime, ibinahagi ang mga ganap sa date nina Michelle Dee at Oliver Moeller

- Ibinahagi ng "It's Showtime" ang mga naging kaganapan sa naging date nina Michelle Dee at Oliver Moeller

- Matatandaang si Michelle ang naging espesyal na panauhin ng Expecially for you sa unang pagsasa-ere ng noontime show sa GMA

- Sa tatlong searchee, si Oliver ang napili ni Michelle na pasado rin sa ina niyang si Melanie Marquez

- Matapos ang programa, ginanap agad ang kanilang date na tila marami silang napagkasunduan sa isa't isa

Makalipas ang isang linggo, ibinahagi ng It's Showtime ang mga naging kaganapan sa date nina Miss Universe Philippines 2023, Michelle Dee at ang kanyang napili sa EXpecially for you na si Oliver Moeller.

It's Showtime, ibinahagi ang mga ganap sa date nina Michelle Dee at Oliver Moeller
It's Showtime, ibinahagi ang mga ganap sa date nina Michelle Dee at Oliver Moeller (It's Showtime)
Source: Facebook

Nilarawan ni Michelle na isa umano itong "very good first date," gayung kinakitaan na niya agad ng pagiging gentleman si Oliver.

"We started talking about tattoos and stories. And I realized he has a history in marine biology... Fun fact, that was what I was supposed to become," kwento ni Michelle.

Read also

Jhong Hilario kay Kim Chiu nang humiling ito ng sampol kay Alexa Ilacad: "Ayan na naman si Kim"

Samantala, puro papuri naman si Oliver kay Michelle at pinasalamatan niya ito sa kanilang unang date.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Michelle is very intelligent, very easy to talk to...You're a lovely person, I'd love to get to know you more, I do wish you all the best with your career and your lovely family."

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa kanilang date mula sa It's Showtime:

Si Michelle Marquez Dee na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 ay pinalad na makaabot sa top 10. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez. Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Todo suporta naman sa kanya ang kanyang inang si Melanie na aminadong nakaramdam ng kaba sa pagsabak ng anak sa naturang pageant. Gayunpaman, proud siya sa pinakikitang focus at determinasyon nito sa pagkamit ng korona. Katunayan, maging ang pinakaunang Miss Universe mula sa Pilipinas na si Miss Gloria Diaz ay naniniwalang papasok sa top 5 si Michelle.

Read also

Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"

Samantala, matatandaang si Michelle ang naging espesyal na panauhin ng It's Showtime segment na Expecially for you sa unang araw ng pag-ere ng noontime show sa GMA. Doon, naikwento niya ang panliligaw niya umano noong nakaraang taon subalit nabasted lamang siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel