Tom Rodriguez sa 'Versace On The Floor' cover niya: "Hala pa'no mag-delete?"

Tom Rodriguez sa 'Versace On The Floor' cover niya: "Hala pa'no mag-delete?"

- Binahagi ni Tom Rodriguez ang isang reaction video sa kanyang cover ng 'Versace On The Floor'

- Sinakyan nito ang hirit ng mga netizens nang bansagan siyang si Mickey Mouse sa naturang cover

- Sa umpisang bahagi ng kanta ay okay naman daw sabi ni Tom ngunit naiba ito nang umabot na sa bahaging bumirit siya

- Hirit niya pa, paano daw mag-delete at 'mag-only me' ng naturang video sabay tawag sa kanyang mama

Kinaaliwan ang reaction video ni Tom Rodriguez sa pagkanta niya ngVersace On The Floor. Sinakyan din nito ang komentong 'Mickey Mouse' version daw yung pagkanta niya.

Tom Rodriguez sa 'Versace On The Floor' cover niya: "Hala pa'no mag-delete?"
Tom Rodriguez sa 'Versace On The Floor' cover niya: "Hala pa'no mag-delete?"
Source: Instagram
Nandito ako para mag-ract ng cover ko ng Versace on The Floor by Bruno Mars as Mickey Mouse.

Sa umpisang bahagi ng kanta ay okay naman daw sabi ni Tom ngunit naiba ito nang umabot na sa bahaging bumirit siya.

Read also

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'

Oo nga no? Hala pa'no mag delete? Hala paano i-'only me?' Maa! Maaa!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Tom Rodriguez ay isang kilalang aktor at mang-aawit sa Pilipinas. Unang sumikat si Tom sa pag-arte sa telebisyon bilang bahagi ng reality show na "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009. Pagkatapos nito, nagsimula siyang maging isang regular na artista sa mga teleserye at palabas sa telebisyon. Ang ilan sa kanyang mga popular na proyekto ay kinabibilangan ng "My Husband's Lover" at "Angelito: Batang Ama."

Si Tom ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang mga nakakaintrigang Instagram post at pahayag. Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Tom Rodriguez ng picture ng isang lalaking may nakatakip na tape sa bibig. Kasunod nito ay sinagot niya ang mga komento ng ilang netizens sa kanyang post ng larawan ng atomic bomb explosion. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Read also

Dennis Trillo, pinagtripan ang viral TikTok song cover ni Tom Rodriguez

Ayon kay Tom, umalis siya sa bansa noong March 13 matapos mapagtantong sinukuan na ni Carla Abellana ang kanilang pagsasama. Ito ay sa kabila umano ng kanyang mga effort para maayos pa ang kanilang relasyon. Naibahagi niya din na pinal na ang divorce decree sa kasal nila at hangad niya umano na matupad ang birthday wish ni Carla na maging maligaya na ito. Bilang isang US citizen, maari siyang mag-file at aprubahan ng korte ang Petition of Recognition of Foreign Divorce Decree.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel