Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'

- Sinagot ni Miss Grace ang mga komento ng netizens sa kanyang binahaging video tungkol sa pagkakaroon ng andropause ng kalalakihan

- Isang netizen ang nagsabing ang pinakamagandang ganti ay ang kanyang pananahimik

- Ayon pa sa netizen na ito ay hindi kailangang magpaliwanag ni Miss Grace sa publiko at manahimik na lang daw siya para sa kapakanan ng kanyang mga anak

- Sagot naman ni Miss Grace, sana ay hindi nito maranasan na maloko at masabihang mag-move on na lang siya

Sinagot ni Miss Grace ang isang netizen na naghayag ng kanyang opinyon. Nagmungkahi ito na mas mabuti siguro kung manahimik na lang si Miss Grace tungkol sa kanyang nakaraang relasyon.

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'
Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'
Source: Facebook

Sa pagtugon ni Miss Grace, pinaliwanag niya ang kanyang panig upang maunawaan ng netizen na ito ang kanyang saloobin.

Sagot naman ni Miss Grace, sana ay hindi nito maranasan na maloko at masabihang mag-move on na lang siya.

Read also

Tom Rodriguez sa 'Versace On The Floor' cover niya: "Hala pa'no mag-delete?"

Sa kanyang pahayag, sinabi niyang, "i hope u will never get cheated on so no one has to say 'move on' but if that time comes u will know how its like when ppl tell u to 'move on'."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'
Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'
Source: Facebook

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Read also

Miss Grace: "Siguro, si idol n'yo is going through andropause"

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel