Dennis Trillo, pinagtripan ang viral TikTok song cover ni Tom Rodriguez

Dennis Trillo, pinagtripan ang viral TikTok song cover ni Tom Rodriguez

- Napagkatuwaan ni Dennis Trillo ang kaibigang si Tom Rodriguez sa pamamagitan ng paggamit nito ng song cover ni Tom

- Sa kanyang TikTok video ay ginamit ni Dennis ang Minnie Mouse filter habang nag-lip sync ng song cover ni Tom

- Matatandaang naging usap-usapan ang song cover ni Tom ng awiting Versace On The Floor na binansagan ng netizens na Mickey Mouse version

- Ang video na ito ni Dennis ay umani ng maraming positibong reaksyon mula sa mga netizens at tagahanga ng dalawang aktor

Kinaaliwan ang TikTok video ni Dennis Trillo kung saan ginamit niyang sound ang song cover ni Tom ng awiting Versace On The Floor. Gumamit din si Dennis ng Minnie Mouse Filter.

Dennis Trillo, pinatripan ang viral TikTok song cover ni Tom Rodriguez
Dennis Trillo, pinatripan ang viral TikTok song cover ni Tom Rodriguez
Source: TikTok

Nauna na ring dinaan ni Tom sa pagpapatawa ang kanyang reaksiyon sa naturang cover niya na nag-viral kamakailan.

Read also

Miss Grace, sinagot ang komentong 'manahimik ka na lang po'

Sa naturang post ni Dennis ay naka-tag pa ang TikTok handle ni Tom. Ang video na ito ni Dennis ay umani ng maraming positibong reaksyon mula sa mga netizens at tagahanga ng dalawang aktor.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Tom Rodriguez ay isang kilalang aktor at mang-aawit sa Pilipinas. Unang sumikat si Tom sa pag-arte sa telebisyon bilang bahagi ng reality show na "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009. Pagkatapos nito, nagsimula siyang maging isang regular na artista sa mga teleserye at palabas sa telebisyon. Ang ilan sa kanyang mga popular na proyekto ay kinabibilangan ng "My Husband's Lover" at "Angelito: Batang Ama."

Si Tom ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang mga nakakaintrigang Instagram post at pahayag. Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Tom Rodriguez ng picture ng isang lalaking may nakatakip na tape sa bibig. Kasunod nito ay sinagot niya ang mga komento ng ilang netizens sa kanyang post ng larawan ng atomic bomb explosion. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Ayon kay Tom, umalis siya sa bansa noong March 13 matapos mapagtantong sinukuan na ni Carla Abellana ang kanilang pagsasama. Ito ay sa kabila umano ng kanyang mga effort para maayos pa ang kanilang relasyon. Naibahagi niya din na pinal na ang divorce decree sa kasal nila at hangad niya umano na matupad ang birthday wish ni Carla na maging maligaya na ito. Bilang isang US citizen, maari siyang mag-file at aprubahan ng korte ang Petition of Recognition of Foreign Divorce Decree.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel