Ryzza Mae Dizon, nag-panic sa zipline papunta sa Buscalan Village
- Binahagi ni Ryzza Mae Dizon ang video ng kanyang pagsakay sa zipline papunta sa Buscalan Village
- Dahil medyo mahirap at mahaba ang tatahakin papunta sa Buscalan, may mga taong gustong makarating nang mas mabilis at ito nga ay sa pamamagitan ng zipline
- Habang nakasakay si Ryzza ay tila nataranta ito sa dami ng kanyang mga sinasabi
- Tuwang-tuwa naman siya nang sa wakas ay narating niya ang kabilang dulo ng zipline
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nataranta si Ryzza Mae Dizon nang sumakay siya sa zipline papunta sa Buscalan Village. Sa video na kanyang binahagi, hindi maitago ni Ryzza ang kaba habang nakasakay sa zipline.
Maririnig sa naturang video na mismong si Ryzza ang nagsabing dapat ay hindi mag-panic.
Tuwang-tuwa naman siya nang sa wakas ay narating niya ang kabilang dulo ng zipline.
Dapat di ka lang magpanic! *nag-panic* HAHAHAHA zipline papunta sa buscalan village experience
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".
Muling pinanood ni Ryzza Mae kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star. Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay. Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show.
Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay. Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay. Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay. Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh