Belle Mariano, ibinahagi ang bonding moments ng Tiu sisters ng CBML

Belle Mariano, ibinahagi ang bonding moments ng Tiu sisters ng CBML

- Ibinahagi ni Belle Mariano ang ilang larawan kasama sina Maris Racal at Kaila Estrada

- Sina Maris at Kaila ang stepsisters ni Belle sa teleseryeng "Can't Buy Me Love"

- Mabilis na nag-viral ang kanyang post lalo na at isa sa pinakaabangan ngayon ang kanilang serye

- Ang "Can't Buy Me Love" ay pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan

Maraming Can't Buy Me Love fans ang natuwa nang makitang magkakasama sina Belle Mariano, Maris Racal at Kaila Estrada sa iisang larawan.

Belle Mariano, ibinahagi ang bonding moments ng Tiu sisters ng CBML
Maris Racal, Kaila Estrada at Belle Mariano (@belle_mariano)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Belle ang animo'y bonding moments nilang mga 'Tiu sisters.'

Si Belle ang gumaganap bilang si Caroline "Ling" Tiu na stepsister nina Irene na ginagampanan ni Maris at ni Bettina na ginagampanan naman ni Kaila.

"Spilling Tea with the Tiu girls.. Catch #CantBuyMeLove to find out," ang caption ng naturang post. Ito ay dahil sa sunod-sunod na rebelasyon simula nang pumasok na ang karakter ni Ina Raymundo na gumaganap bilang ina ni Donny Pangilinan sa serye.

Read also

Sarah Geronimo, nakakausap na si Mommy Divine: "Yes! Thank you Lord'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"'Yan, ganyan lang Irene, Bettina at Ling. Bati lang kayo lagi"
"Ang gaganda talaga ng Tiu sisters"
"Mahuhusay na aktres ng kanilang henerasyon"
"Ayun naman pala, nagba-bonding naman pala sila"
"Pretty Tiu sisters. kinuwento mo na ba sa kanila ang mga nalaman mo Ling?"

Si Belle Mariano ay isang singer at actress sa Pilipinas. Nagsimula siya sa murang edad kung saan napanood siya sa Goin' Bulilit. Mas lalong umugong ang pangalan ni Belle nang pumatok ang unang series nila ni Donny Pangilinan na "He's Into Her." Sinundan ito ng pelikulang Inconvenient Love na tinangkilik ng marami at ngayon, ang Can't Buy Me Love na pinakaabangan ng marami gabi-gabi.

Kasama ni Belle sa nasabing series si Maris Racal na nakadagdag ng kilig sa palabas dahil sa love team nito kay Anthony Jennings. Aminado sina Maris na hindi nila inaasahang ang on-screen team-up nila ni Anthony ang isa sa magiging dahilan kung bakit marami ang sumusubaybay sa Can't Buy Me Love.

Read also

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

Minsan ding nakikwento ni Maris na ang ilang batuhan nila ng linya ni Anthony sa CBML at dagdag na lang talaga sa orihinal na script subalit mas lalong nakadagdag ng kilig sa kanilang mga eksena.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel