Sarah Geronimo, nakakausap na si Mommy Divine: "Yes! Thank you Lord'

Sarah Geronimo, nakakausap na si Mommy Divine: "Yes! Thank you Lord'

- Inamin ni Sarah Geronimo na nag-uusap na sila ng kanyang mommy na si Mommy Divine Geronimo

- Sa panayam ni Dyan Castillejo, inamin ni Sarah at ng mister niyang si Matteo Guidicelli ang tungkol dito

- Binati daw siya ng kanyang mommy sa kanyang mga naging achievement kamakailan nang tanghalin siyang Woman of the Year ng Billboard Philippines

- Ginawaran din siya ng parangal na Global Force award sa Billboard Women in Music na ginanap sa California

Kinumpirma nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nag-uusap na silang muli ni Mommy Divine Geronimo. Sa panayam ni Dyan Castillejo, sinabi ni Sarah na binati siya nito sa kanyang mga naging achievements.

Sarah Geronimo, nakakausap na si Mommy Divine: "Yes! Thank you Lord'
Sarah Geronimo, nakakausap na si Mommy Divine: "Yes! Thank you Lord'
Source: Facebook

Hindi maitago ni Sarah ang tuwa nang aminin niyang nag-uusap na sila ng kanyang ina.

"Yes! Thank you Lord. I love you, Ma!"

Ito ang naging sagot ng popstar nang tanungin siya tungkol dito.

Read also

Luis Manzano, kinaaliwan sa sagot niya sa isang netizen: "Wala man lang tumama sa sinabi mo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Love you 'Ma. We love our moms,"

Ito naman ang naging pahayag ni Matteo.

Matatandaang kamakailan ay tinanghal si Sarah bilang Woman of the Year ng Billboard Philippines. Ginawaran din siya ng parangal na Global Force award sa Billboard Women in Music na ginanap sa California.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng AshMatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Read also

Faith Da Silva, may cute na reaksyon sa banat sa kanya ng isang Magic Man Australia

Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Sa kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel