Faith Da Silva, may cute na reaksyon sa banat sa kanya ng isang Magic Man Australia

Faith Da Silva, may cute na reaksyon sa banat sa kanya ng isang Magic Man Australia

- May cute na reaksyon si Faith Da Silva sa naging sagot sa kanya ng isa sa mga miyembro ng Magic Man Australia

- Natanong ni Faith kung saan sa Pilipinas nais bumisita ng kanyang nakausap na miyembro ng nasabing grupo

- Makikitang nagulat si Faith sa naging sagot nito

- Si Faith Da Silva ay isa sa mga kilalang Kapuso actress at isa sa mga hosts ng Tiktoclock

Tila hindi inaasahan ni Faith Da Silva ang magiging sagot sa kanya ng isa sa mga miyembro ng Magic Men Australia na naging panauhin nila kamakailan sa Tiktoclock.

Faith Da Silva, may cute na reaksyon sa banat sa kanya ng isang Magic Man Australia
Faith Da Silva (@faithdasilva_)
Source: Instagram

"If there's any place here in the Philippines that you would want to visit, where would that be?" tanong ni Faith sa isa sa mga miyembro ng Magic Men Australia.

"Your place!" ang nasagot sa kanya nito kaya naman napalakad ng konti si Faith na tila nagulat sa naturang sagot.

Read also

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito maging ang mga netizens ay tila naloka sa Q&A na ito nina Faith.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Swerte mo girl! Pwede rin naman sa place namin"
"Ang cute. Iba talaga ang mga Pinay"
"Ayan, tanong pa kasi. Hindi mo kinaya ang sagot Faith. Ang cute niyo!"
"Ang dami ng lugar sa Pilipinas, sa inyo talaga Faith? Lucky girl!"

Narito ang video na naibahagi rin ng GMA:

Si Faith da Silva ay isang Kapuso actress, singer at model. Isa siya sa mga hosts ng Tiktoclock kung saan kasama niya sina Pokwang, Kim Atienza, Rabiya Mateo at Jason Gaiza. Si Faith ay anak ng dating aktor na si Dennis Da Silva.

Matatandaang naging emosyonal si Faith sa muling pagkikita nila ng kanyang ama nang bisitahin niya ito sa Muntinlupa City Jail. Sa video na kanyang naibahagi, makikitang hindi niya napigilang maiyak nang mayakap muli ang ama makalipas ang ilang taon nilang pagkakawalay sa isa't isa.

Read also

MUPH 2024 Cebu Mary Josephine Paaske, proud na ibinandera ang tirahan nila ng pamilya niya

Sa naging panayam sa kanya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk, hindi rin mapigilang maging emosyonal ni Faith. Ito ay nang maikwento niya ang palaging nasasabi sa kanya noon ng kanyang ama. Madalas umano siyang tawagin nitong 'the most beautiful girl in the world.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel