Gabby Eigenmann: "May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay'"
- Ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ng kanyang inang si Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado
- Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito
- Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon
- Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Aminado si Gabby Eigenmann na tumatak sa kanya ang sinabi ni Andi Eigenmann na 'Uwi na daw sila ng kanyang Nanay.' Sa panayam na binahagi ni Allan Diones sa YouTube, sinabiniyang may plano daw na dadalhin ang abo ni Jaclyn Jose sa Siargao pero hindi pa raw ito kumpirmado.
May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay.' Yun ang hindi ko makakalimutan. That hit everyone especially me. Yung uwi na tayo nanay madaming ibig sabihin nun.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi daw makakalimutan ni Gabby ang pagiging ina ni Jaclyn sa kanyang mga anak.
Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.
Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh