Gabby Eigemann, hindi pababayaang maramdaman ni Andi Eigenmann na ulila na siya

Gabby Eigemann, hindi pababayaang maramdaman ni Andi Eigenmann na ulila na siya

- Si Gabby Eigenmann ang nakasama ni Andi Eigenmann nitong nakaraan sa gitna ng kanyang pinagdadaanang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang nanay na si Jaclyn Jose

- Ani Gabby, malapit siya sa mag-ina kahit half sister niya lang si Andy pero tumayo siya bilang kuya talaga kay Andi

- Aniya, ulilang lubos na talaga si Andi pero hindi daw niya pababayaang maramdaman ito ni Andi

- Sa kasalukuyan daw ay 'coping' pa rin si Andi sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na nanay

Bilang kuya ni Andi Eigenmann, sinabi ni Gabby Eigenmann na hindi niya hahayaang maramdaman ng kanyang half sister na ulila na siya. Sa video na binahagi ni Allan Diones sa YouTube, nakwento ni Gabby ang tungkol sa pinagdaanan nila. Magkapatid sina Andi at Gabby sa ama.

Gabby Eigemann, hindi pababayaang maramdaman ni Andi Eigenmann na ulila na siya
Gabby Eigemann, hindi pababayaang maramdaman ni Andi Eigenmann na ulila na siya
Source: Youtube

Aniya, gagawin niya ang makakaya niya para hindi maramdaman ni Andi na wala na siyang mga magulang. Unang pumanaw ang kanilang ama na si Mark Gil. Sa pagpanaw nga ni Jaclyn Jose ay ulilang lubos na si Andi.

Read also

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

In reality, parang wala na siyang parents. Orphan, but I will never let her feel that way. I'll make sure. She will never feel that way. Totoo, sasabihin ko na I'll make sure of that.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Pinakita ni Andi sa kaniyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa murang edad nito ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel