Maris Racal sa nabuong love team nila sa CBML: "That’s it for SnoRene"

Maris Racal sa nabuong love team nila sa CBML: "That’s it for SnoRene"

- Tila marami ang nalungkot sa bagong post ni Maris Racal

- Ito ay patungkol umano sa nabuo nilang love team ni Anthony Jennings sa 'Can't Buy Me Love'

- Kamakailan, nakumpirma ng karakter ni Maris na si Irene Tiu na hindi umano siya buntis kay Snoop na karakter naman ni Anthony

- Gayunpaman, umaasa ang kanyang 'SnoRene' fans na mayroon pa ring pampakilig ang dalawa sa nasabing serye

Mabilis na nag-viral ang post ni Maris Racal patungkol sa nabuo nilang love team ni Anthony Jennings sa Can't Buy me Love.

Maris Racal sa nabuong love team nila sa CBML: "That’s it for SnoRene"
Maris Racal (@mariesteller)
Source: Instagram

Sa kanyang post, tila nagpaalam na ito sa 'SnoRene' na pinagsamang Snoop, ang karakter ni Anthony at Irene na kanya namang ginagampanan.

Ito ay matapos na ipalabas ang episode kung saan nakumpirma ni Irene na hindi siya buntis sa inaakala niyang si Snoop ang ama.

"That’s it for snorene ... salamat sa pagmamahal," ang kanyang nai-post.

Read also

Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, maraming fans nila ang naniniwalang patuloy pa ring magpapakilig ang Snorene sa nasabing serye.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Oh no! Mami-miss ko ang Snorene kung ganun Ms. Maris"

"Whaaat? Sayang naman. Nakakaaliw po kaya kayong panoorin"

"Naniniwala ako na tuloy pa rin ang SnoRene. feeling ko, sa next assignment ni Aunt Cathy kay Irene, raraket din dun si Snoop. Or baka probinsya yun ni Snoop"

"Kung totoo man 'yan Irene Tiu, nakakabitin naman po ang love team niyo."

"Ngayon pa ba na isa na kayo sa inaabangan namin gabi-gabi sa Can't Buy me love."

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 26 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Read also

Gloc-9, emosyonal nang sabihing regalo sa anak ang kantang 'Sirena': "My son is gay"

Madalas na kagiliwan online ang mga makukulit na post ni Maris. Ilang internet memes na rin niya ang nagpasaya sa publiko. Isa na rito ang kakaibang gupit ng kanyang bangs at sinabing mukha raw siyang pencil.

Kamakailan, naikwento rin ni Maris sa kanyang Instragram ang umano'y reaksyon nang ina sa karakter bilang si Irene sa CBML. Aniya, fan ang kanyang mommy ng kanilang serye ngunit hindi siya makapaniwalang 'hate' siya nito bilang si 'Irene'. Samantala, ang Can't Buy Me Love ay pinagbibidahan ng tambalang DonBelle. Kasama rin nila sa naturang serye sina Agot Isidro, Rowell Santiago, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: