Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"

Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"

- Nausisa din umano si Ogie Diaz kung bakit tila si Aga Muhlach lang ang nagpo-promote sa pelikula nila ni Julia Barretto

- Inakala raw ng marami na maaring umiiwas lamang ito na matanong tungkol sa amang si Dennis Padilla

- Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie na matanong si Julia ukol dito

- Aniya, baka alam din ng management ni Julia ang tungkol dito kaya't intindihin na lamang daw si Julia

Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena ang tungkol sa napansin ng karamihan na bihira umanong mag-promote si Julia Barretto sa pelikula nila ni Aga Muhlach, ang 'Ikaw pa rin ang pipiliin.'

Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"
Julia Barretto and Aga Muhlach (@agamuhlach317)
Source: Instagram

Madalas umanong si Aga ang nagpo-promote ng pelikula mapa sa telebisyon man o sa mga YouTube channel ng mga kilalang personalidad.

Espekulasyon ng netizens, baka umano umiiwas ito na matanong tungkol sa amang si Dennis Padilla.

Read also

Jamie Bautista, trending matapos magbahagi ng cryptic post

"Iniiwasan siguro ni Julia na matanong sa kanya 'yun. Pangalawa, anong isasagot ni Julia. Maja-judge siya ng mga tao. Kung ija-judge din lang naman nila si Julia, edi 'wag na lang," ani Ogie Diaz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, matatandaang naibahagi ni Dennis na pinadalahan umano siya ni Julia ng mensahe sa kanyang kaarawan noong Pebrero 9 bagay na nakapagpasaya sa aktor at sinabing hindi niya napigilang maluha at halos hindi makapaniwala.

Samantala, nang magkaroon ng pagkakataon si Ogie na makausap si Julia sa isang pagtitipon kamakailan nasabi nito ang kanyang pinagkakaabalahan.

"Saka sabi ni Julia, busy sila sa series... Baka rin naman aware ang Viva doon kaya hindi nakapag-promote."

Dahil dito, sinabi ni Ogie na unawain na lamang ang aktres na busy umano sa kasunod nitong proyekto.

"Intindihin na lamang natin si Julia kung anuman ang kanyang dahilan. Basta ang nasabi niya sa akin meron siyang ginagawang series at hindi niya maiwan. So yun na yun. 'Di ba?"

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.

Matatandaang muling naging usap-usapan si Julia matapos na mag-post ng ama nitong si Dennis Padilla ng mensahe niya para sa mga anak kay Marjorie Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Subalit sa kaarawan ni Dennis ngayong taong 2024, tila isa itong hudyat ng magandang simula ng taon nang makatanggap siya ng mensahe mula sa anak na si Julia. Aminado si Dennis na naging emosyonal siya sa mensahe at sana'y makausap at masakama na rin niya si Julia, maging sina Claudia at Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel