Jamie Bautista, trending matapos magbahagi ng cryptic post

Jamie Bautista, trending matapos magbahagi ng cryptic post

- Usap-usapan sina Jamie Bautista at ang partner nito na si Anthony Leodones matapos magbahagi ng makahulugang mensahe si Jamie

- Napansin din ng kanilang mga followers na tila matagal nang hindi sila nakapagbahagi ng picture o video na magkasama sila

- Kaya naman, umugong ang alegasyong naghiwalay na sila lalo at iniugnay ng mga netizens ang post nito sa kanila

- Matatandaang naibahagi nila ang tungkol sa kanilang engagement sa social media

Kabilang sina Jamie Bautista at Anthony Leodones sa mga popular search topics sa social media kasunod ng cryptic post ni Jamie. Kapansin-pansin din na wala silang bagong post na magkasama sila.

Jamie Bautista, trending matapos magbahagi ng cryptic post
Jamie Bautista, trending matapos magbahagi ng cryptic post
Source: Facebook
Not all stories have happy ending..

Ito ang post ni Jamie na ikinalungkot ng mga tagasuporta nila ni Anthony. Agad itong umani ng mga reaksiyon at komento. Libo-libo na rin ang shares ng post na ito ni Jamie.

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila nito ay wala pang nilalabas na pahayag si Anthony.

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel