Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

- Sa panayam kay Dennis Padilla ng ABS-CBN News, naidetalye niya ang tungkol sa mensahe sa kanya ni Julia

- Aniya, short message ito sa kaarawan niya noong Pebrero 9

- Matatandaang matagal-tagal na ring naghihintay ng pagkakataong ito na muli niyang makausap si Julia

- Umaasa si Dennis na ito rin ang simula para muling mabuksan ang komunikasyon ng iba pa niyang anak kay Marjorie Barretto na sina Claudia at Leon

Walang pagsidlan nang kasiyahan si Dennis Padilla nang maikwento niya ang tungkol sa mensahe sa kanya ng anak na si Julia Barretto.

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"
Julia Barretto and Dennis Padilla (@dennisastig)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ng grupo ng media, kasama na ang ABS-CBN na siyang nagbahagi ng video, sinabi ni Dennis na halos hindi siya makapaniwala na binati siya ni Julia noong kanyang kaarawan.

"Nagsimula na nga 'nung birthday ko, nagulat din ako dahil gabi na 'nung ma-receive ko yung text. 'Nung una nga, hindi ko alam sabi ko number pa pala niya ito... Ilang years, ang tagal," masayang naibahagi ni Dennis.

Read also

Jamie Bautista, trending matapos magbahagi ng cryptic post

"Nag-text siya, may short message siya 'ron. Tapos sumagot ako, tapos meron din akong short message. Tapos yung short message ko, ang isinagot niya sakin ano na icon na heart. So ang isinagot ko, heart din," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Actually hindi ko alam bigla na lang tumulo 'yung luha ko"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa ABS-CBN News:

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Read also

Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

Gayunpaman, ngayong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press kamakailan, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta niya sa career nito bilang isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel