Bobby Ray Parks, tinuruan si Lucas kung paano pahalagahan ang mommy at kapatid niya

Bobby Ray Parks, tinuruan si Lucas kung paano pahalagahan ang mommy at kapatid niya

- Pinaliwanag ni Bobby Ray Parks sa anak ni Zeinab Harake na si Lucas ang kahalagahan ng pagbibigay ng halaga sa mga babae sa kanilang buhay

- Si Lucas ang pinabigay niya ng binili niyang bag para sa anak ni Zeinab na si Bia

- Pinaliwanagan niya si Lucas ng kahalagahan ng pagbibigay halaga sa kanilang mahal sa buhay lalo na tuwing Valentine's Day

- Marami ang humanga at bumilib kay Ray Parks dahil sa pagmamahal niya sa mag-iina

Pinaliwanagan ni Bobby Ray Parks ang anak ni Zeinab Harake na si Lucas Harake kung gaano kahalaga ang pagbibigay ng halaga sa mga espesyal na tao sa kanilang buhay. Si Lucas ang pinabigay niya ng binili niyang bag para sa anak ni Zeinab na si Bia.

Bobby Ray Parks, tinuruan si Lucas kung paano pahalagahan ang mommy at kapatid niya
Bobby Ray Parks, tinuruan si Lucas kung paano pahalagahan ang mommy at kapatid niya
Source: Youtube

Sa bagong vlog ni Zeinab ay makikita sa isang bahagi ang masinsinang pag-uusap nina Ray at Lucas.

Read also

Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea

"The reason why na gusto kitang kausapin kuya, is to explain sa 'yo 'yung Valentine's Day. So, 'yung Valentine's Day, nagbibigay tayo ng halaga, [...] pwede na ring gift to the special people in our lives, especially women, which is syempre si Mommy pati si Bia, sa atin,"

Aniya, maaring ihayag ang kanilang pasasalamat at pag-appreciate sa mga mahahalagang tao sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Yes, we try to give gifts and i-express lang natin 'yung appreciation natin sa kanila. Kasi 'yung sacrifice talaga nila is, alam mo naman, Mommy works so hard, so si Bia din naman, she deserves the love from us, family. [...] Thankful ka na kay Mommy eh, kasi she works hard,"
"We can't be the men that we are without our women,"

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel