Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea

Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea

- Sa vlog ni Dasuri Choi, sinubukan niyang sagutin ang mga hate comments ng mga bashers sa kanya

- Aminado siyang dumami ang kanyang bashers kamakailan lalo nang madawit ang pangalan niya sa hiwalayang Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na kanyang pinabulaanan

- Kabilang sa mga komento sa kanya ay bumalik na lang daw siya sa bansa nila at aniya ay nasasaktan siya sa mga komentong kagaya nito

- Aniya, noong down na down siya ay ang mga Pinoy ang tumulong sa kanya para maging masaya

Aminado si Dasuri Choi na nasasaktan siya sa bashers na nagpapaalis sa kanya sa Pilipinas at nagsasabing bumalik na lang ito sa Korea. Sa kanyang vlog, sinubukan ni Dasuri na sagutin ang mga hate comments sa kanya.

Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea
Dasuri Choi, nasaktan sa mga bashers na nagsabing umuwi na siya sa Korea
Source: Youtube

Aniya, itong mensaheng ito ang pinaka ayaw niyang mabasa dahil masakit ito para sa kanya. Kwento niya, noong panahong malungkot siya ay pumunta siya sa Pilipinas at ang mga Pinoy daw ang tumulong sa kanya na mag-grow at maging masaya.

Read also

Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"

When my life was really deep down, I went here and Filipinos, you guys helped me to grow. And you guys really helped me to be happy. I didn't know Filipino culture, language. I tried my best to learn. At the end of the day, you guys will say balik ka na lang sa Korea. Uwi ka na lang. Wala kang kwenta. Masakit talaga sa akin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Dasuri Choi o Choi Da-seul sa totoong buhay ay isang South Korean dancer at entertainer na naninirahan sa Pilipinas. Nanalo siya ng Best in Talent at 2nd runner-up sa "You're My Foreignay" segment ng Eat Bulaga!. Kasalukuyan ay isa siya sa mga host ng "Tahanang Pinakamasaya."

Kinaaliwan ang vlog nina Ryan Bang at Dasuri Choi nang gawin nila sa isang vlog ang “Korean’s jowa challenge”. Sa binahaging vlog na ito ni Dasuri, kumain sila ni Ryan ng mga Filipino street food at naglaro. Babe ang kanilang naging tawagan at magkahawak-kamay sa buong vlog. Marami sa mga viewers ang kinilig sa kanilang dalawa.

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

Samantala, sa pagdiriwang kamakailan nina Mavy at Cassy Legaspi ng kanilang ika 23 na kaarawan, binahagi ni Mavy ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang birthday celebration. Bukod sa kanilang mga magulang na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, ilang mga artista rin ang naroon upang dumalo sa kanilang pagdiriwang. Kabilang sina Isko Moreno, Buboy Villar, Dasuri Choi at iba pa nilang kasamahan sa Tahanang Pinakamasaya ang naroon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel