Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"

Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"

- Binasag ni Dasori Choi ang kanyang pananahimik sa alegasyong siya daw ang 3rd party sa isang hiwalayan

- Hindi na niya binaggit ang tungkol dito ngunit kamakailan ay naging usap-usapan ang picture kung saan kasama niya sina Mavy at Cassy Legaspi

- Paliwanag niya, kasama din nila ang mga co-hosts nila sa "Tahanang Pinakamasaya" noong mga panahong iyon ngunit iyon lang daw ang ginawan ng isyu

- Nilinaw niyang hinding-hindi niya gagawin na maging 3rd party dahil aniya ay pinalaki siya ng kanyang mga magulang nang maayos

Nagsalita na si Dasuri Choi sa alegasyong siya ay 3rd party sa hiwalayang Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa kanyang vlog, pinabulaanan niya ito at sinabing hindi siya 3rd party.

Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"
Dasuri Choi, pinabulaanang 3rd party siya: "I will never try to be a 3rd party in my life"
Source: Youtube

Sa kanyang bagong vlog, sinagot ni Dasuri ang ilang mga hate comments habang siya ay nagmu-mukbang.

Paliwanag pa ni Dasuri, ang viral na picture kung saan makikita siya kasama ang kambal na Mavy at Cassy ay kuha sa soft opening ng isang restaurant na pagmamay-ari ng executive producer ng Tahanang Pinakamasaya.

Read also

Karylle, naluha sa pag-propose ni Yael Yuzon para magpakasal silang muli

Aniya, kasama din nila ang kanilang mga kasamahan sa naturang noontime show. Pinakita pa niya ang video bilang patunay sa kanyang sinasabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, hinding-hindi niya gagawin na maging 3rd party dahil aniya ay pinalaki siya ng kanyang mga magulang nang maayos.

Si Dasuri Choi o Choi Da-seul sa totoong buhay ay isang South Korean dancer at entertainer na naninirahan sa Pilipinas. Nanalo siya ng Best in Talent at 2nd runner-up sa "You're My Foreignay" segment ng Eat Bulaga! Kasalukuyan ay isa siya sa mga host ng "Tahanang Pinakamasaya."

Kinaaliwan ang vlog nina Ryan Bang at Dasuri Choi nang gawin nila sa isang vlog ang “Korean’s jowa challenge”. Sa binahaging vlog na ito ni Dasuri, kumain sila ni Ryan ng mga Filipino street food at naglaro. Babe ang kanilang naging tawagan at magkahawak-kamay sa buong vlog. Marami sa mga viewers ang kinilig sa kanilang dalawa.

Read also

Mariel Padilla, nilinaw na vitamin C at hindi gluta ang kanyang drip

Samantala, sa pagdiriwang kamakailan nina Mavy at Cassy Legaspi ng kanilang ika 23 na kaarawan, binahagi ni Mavy ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang birthday celebration. Bukod sa kanilang mga magulang na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, ilang mga artista rin ang naroon upang dumalo sa kanilang pagdiriwang. Kabilang sina Isko Moreno, Buboy Villar, Dasuri Choi at iba pa nilang kasamahan sa Tahanang Pinakamasaya ang naroon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel